NAGKUNWARING tulog si Everlee nang marinig ang pag-unlock ng pintuan niya. Wala siyang naririnig na boses, pero ramdam niya ang mga hakabang ng pumasok. Alam niyang si DK iyon. At hindi nga siya nagkamali, si DK iyon. Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. Pero lumabas din ito agad dahil tinawag ito ng ama ni Serena. Saka lang siya naupo nang marinig ang pagsara ng pinto. Pinalipas pa niya ang ilang minuto bago lumabas. Nakaramdam na kasi siya nang gutom. Hindi naman niya pwedeng iwasan si DK. Natigilan siya saglit. Bakit nga pala siya iiwas kay DK? Dahil sa nakita? Napaikot siya ng mata. Saktong may huminto sa harapan niya. “For you, little wife,” nakangiting taas ni DK sa tasa. Umuusok iyon at amoy niya ang aroma ng kape. “Thanks.” Hindi naman niya kinuha ang tasa, nilagpas