KUNOT ang noong tinuro ni Mildred kay DK ang mukha niya. “Did you not sleep well?” tanong nito sa kanya na ikinahilot niya sa noo. Obvious naman yata. Bakit kailangan pang tanungin? Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mildred kung bakit hindi siya makatulog. Ano ba isasagot niya? Na magdamag niyang binantayan ang kaibigan na kumalma? Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon lagi ang epekto sa t’wing magkadikit ang katawan nila ni Everlee. Is he desiring her? Damn! Lust na siguro itong nararamdaman niya. Nakakatakot kapag nagkataon. Kagabi, naisip niyang ilipat sa isang apartment si Everlee na lang. payagan na lang niya ito. Kilala niya ang sarili niya. Yes, he loves s3x. Actually lahat naman silang magkakaibigan. Dito lang sila nabubuhay. Nagiging masigla pero recently, nawawa