“JESSICA!” tawag ni Everlee sa makeup artist ni Ryder. Alangang lumingon ito sa kanya. May hawak kasi itong make up kit na nakalagay sa bag. “Ano ba ‘yon?” “U-um, ‘yong nakita mo, w-wala ‘yon. H-hindi ko rin alam na gagawin niya ‘yon sa akin. Okay?” “‘Wag kang mag-alala. Wala akong nakita.” Sabay kunwa’y seal ng lips. Nakahinga si Everlee sa sinagot ni Jessica. Pero hindi pa rin siya panatag dahil hindi pa umuuwi si DK. Kung ngayon nakalusot siya, paano kapag inulit ni DK? Kaya nagpasya siyang kausapin ito. Ayaw niyang magkaroon nang problema kay Ryder. Hindi niya pwedeng biguin ang nobyo. Tapos na sila ni DK. Hindi siya dapat nagpapaniwala dito. Sasaktan lang siya ni DK. NAKANGISING nilingon ni DK ang inuukupa ni Everlee. Nito pa siya nate-tempt sa labi nito. Hindi niya maintindiha