“YOU think tutulungan kita?” Halata ang inis sa boses ni Callen nang sabihin nito iyon sa kanya. “Yes. We’re friends. Saka si Everlee ang pinag-uusapan natin dito. Remember?” Napatayo pa si DK para lumapit kay Callen pero sumenyas lang ito na tumigil siya. Kaya naupo siya sa bakanteng upuan ng opisina nito. “Oh. Kung si Everlee ang pinag-uusapan. Of course, tutulungan ko siya, pero ikaw? No way! After ng problema niya kay Ryder, good luck sa ‘yo.” “Callen!” “What? Akala mo hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Ryder?!” Napalunok si DK. Langya, mukhang nagsumbong na yata si Ian! Bumuntong hininga siya. “Fine. Inaamin ko. Pero ginawa ko iyon dahil hindi naman siya magiging masaya kay Ryder. Kilalang babaero ’yon. Saka bali-baliktarin man ang mundo, ako pa rin