“Alright, that’s good, Naddie. Okay one more.” Pose dito, pose doon. Iyon ang ginagawa ni Naddie for the last two hours. “Alright, pack up!” Nagpalakpakan ang mga tao sa buong studio matapos ang last pose ni Naddie. Napapalakpak na lang si Naddie at lumapit sa kanyang photographer. Pinakita sa kanya ang shots na kuha kanina. “You look good here, Nads,” sabi pa ng photographer sa kanya. Na-flatter naman siya roon at napahawak pa sa kanyang dibdib. Ngumuso siya rito at tiningnan pa ang mga shot. She was satisfied with the shots as well. She felt so proud of herself. God, she missed doing these things. Sino ang mag-aakalang magagawa niya pa ang lahat ng ito sa kabila ng mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang buwan. She was just so happy that she was able to do these things aga