“Oh, iyong mukha mo! Aren’t you excited?!” Meera giggled and nudged Naddie. Kulang na lang ay yugyugin siya nito eh. Sinaman niya tuloy ito ng tingin. “What? Makayugyog ka naman,” reklamo niya pa rito. Tinawanan lang siya nito. “Come on, tell me you’re excited! I mean are you not? You’re going home na!” sabi pa nito sa kanya. Hindi niya ito sinagot. Nanatili ang tinign niya sa labas ng kanyang bintana. She even crossed her arms and leaned on the back of her swivel chair. Nasa kwarto niya sila ngayon dito sa bahay nila sa San Francisco. Ilang weeks na lang at uuwi na rin silang Pilipinas pero itong si Meera ay bored na yata sa buhay at mukhang hindi na makapaghintay roon sa Pilipinas at talagang pinuntahan lang siya rito. Sumimangot ito sa kanya. Kasalukuyan itong nakaupo sa kanyang