"Excuse me?" kunot-noong sambit ng lalaking nakabangga ni Naddie. Napakurap-kurap naman siya at bahagyang napalunok.
"Uhhh n-nothing…" Mabilis na nag-iwas siya ng tingin dito at mabilis na naglakad na ulit. Nilagpasan niya ang lalaki at hindi na ito nilingon pa.
Nanlalaki ang mga mata niya. Kilala niya ang lalaki, well, nakita niya pala. Iyon iyong lalaki sa hospital kagabi but then well, it turns out na hindi naman siya nito naalala.
's**t ano ba iyan, Naddie! Napahiya ka pa! May pa 'you' ka pang nalalaman, hindi ka naman pala naalala ng tao.'
Nakagat niya ang labi at halos masabunutan na lang ang kanyang noo. Nakakahiya! Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo at saka mas binilisan pa ang lakad. Kailangan na niyang makaalis doon no. Nang makalayo na siya ay saka lang siya napahilamos sa kanyang mukha.
'Ahhh! Nakakaloka ka, Naddie! Ano iyon?! Nakakahiya ka?!'
Dama niya ang tila pag-init ng kanyang buong pisngi hanggang sa kanyang leeg. Parang gusto niya na lang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Kung ano ba naman kasi ang pumasok sa kanyang isipan at talagang sinabi niya pa iyon. Mukhang siya lang naman iyong nakaalala sa lalaki.
“Damn it! Nakakahiya ka, Naddie! Nakakahiya ka! Nakakaloka!” Marahas na ipinilig niya ang kanyang ulo at saka mas binilisan ang kanyang paglakad.
Nang tingin niya ay nakalayo na siya ay saka lang siya huminga nang malalim at tumigil. Kinailangan niya pang sumandal sa isang pader para pagpahingahin ang kanyang sarili. Lumunok siya at saka pinaypayan oang kanyang mukha. In her head, she was scolding herself already. Baka mapahamak na naman kasi siya sa kanyang pagtakbo. Nang pakiramdam niya ay okay naman siya ay saka siya naglakad ulit.
Sumakay na siya pabalik ng kanyang pinagsi-stay-han na apartment. Kagat-kagat niya ang labi habang papasok ng kanyang apartment. Pagkapasok na pagkapasok niya roon ay agad na sumampa siya sa kanyang couch. Nakanguso siya tapos ay nakatulala lang sa kawalan. Nag-iinit ang buong mukha niya sa tuwing naaalala niya ang katangahan at kahihiyan niya kanina. Hindi rin kasi niya alam kung bakit parang tumatak sa isipan niya iyong lalaking iyon.
‘My gosh, Naddie! Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote mo at sinabi mo iyon sa lalaki? Nakakalerkey ka! Ughh nakakahiya!’
Naisandal niya na lang sa likod ng upuan ang kanyang ulo at napapikit na lang. Ilang saglit siyang nanatili sa ganoong posisyon nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Tamad na kinuha niya ito sa bulsa at saka tiningnan. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag ay mabilis din niyang itinabi iyon.
Napabuga siya ng hininga. Kinagat niya pa ang labi at agad na tinawagan si Kier. Hindi niya alam kung anong oras na sa Pilipinas o kung tulog pa ba ito o hindi.
“Kier pick up! Ughh! Kainis!” bwisit na rant niya habang nagri-ring pa rin ang cell phone. Ilang ring pa ulit iyon hanggang sa naputol na nga iyon at hindi sinagot ni Kier. ‘
Halos manggigil pa siya nang muling d-in-ial ang number ng kanyang kababata. Fortunately, for the second time, sumagot na ito.
“What?” pasinghal na sambit pa nito sa kabila. Halatang-halata sa boses nito na inaanktok pa.
Naddie rolled her eyes again. “Where are you? Nasa bahay ka ba?” tanong niya pa. Suminghap ang lalaki sa kabila.
“Seriously, Nads? Malamang! And I was sleeping, hello, timezone?!” Kier groaned. Naddie just laughed and shook her head. Umungot ulit ang lalaki sa kabila at nag-rant pa sa kanya. Sumimangot siya, naalala ang talagang rason kung bakit niya tinawagan ang magaling niyang kababata.
“Hey, may kasalanan ka sa akin!” bulyaw niya rito.
“What? What the hell are you talking about?” Nai-imagine niya na ang frustration ng magaling niyang kaibigan ngayon.
Umirap ulit siya rito at humalukipkip. “You gave Keiran my number!” bulyaw niya pa.
Natahimik ito sa kabila. Sa pagkatahimik pa lang ng lalaki alam na niyang may kinalaman nga ito sa sa pagtawag ni Keiran sa kanya. Kung si Kier ang matatawag niyang bestfriend niya at sinasakyan siya sa lahat ng kanyang gustong gawin, iba naman ai Keiran. Hindi siya nito tino-tolerate sa mga gusto niya. At iyong kanina for sure kaya siya tinawagan ng lalaki ay dahil pagagalitan siya nito.
Si Keiran pa naman iyong type ng kaibigan na super protective at sobra kung mag-alala kaya hindi rin talaga niya masisi ang lalaki. Others may find it sweet and all pero siya, hindi. Sakal na sakal na nga siya sa pamilya niya tapos ganoon din sa kaibigan niya? Kaya gusto niya si Kier, eh, kasi si Kier ang supportive. Lahat ng kababata niya na anak ng mga kabanda ng magulang niya ay takot kay Keiran. Ito kasi ang parang kuya nilang lahat. Exception sa mga iyon si Kier kasi hindi iyon takot sa kuya nito. It’s just funny na siya ang pinakamatanda sa kanila pero siya itong tinatratong parang bunso. Ang galing lang dahil ang laki kaya ng agwat niya sa mga ito pero kung magpaka-kuya ang mga ito sa kanya ay wagas.
“Tsk. Come on, Nads, you know how Kuya gets, di ba? Binugbog ako para sa number na iyan, no. Tsk. Iyong mokong na iyon. Patay siya kay Daddy Phil,” rant pa ni Kier sa kabila.
Napairap na lang si Naddie doon at saka napailing na lang. “Nabugbog ka na lang din naman pala, bakit mo binigay?” nakasimangot na sabi niya pa kahit na hindi naman nito nakikita. Agad niyang narinig ang eksaheradang pagsinghap ng kanyang kababata sa kabilang linya.
“Seriously? Gusto mo akong ipabugbog? The hell, Naddie!” Umirap lang ulit siya rito at saka siya bumuga ng hininga.
“Fine, fine, whatever. Basta huwag ka ng magsabi ng kahit ano, maliwanag?” masungit na sabi niya rito.
“Tsk. Whatever. Yeah, yeah. Kung may makaalam man hindi na galing sa akin iyon, kay Kuya na, tsk. Sige na, sige na. Okay ka lang naman diyan, right?”
Bahagyang na-touch naman siya dahil sa sinabi nito. Kasi naman kahit na inokray niya ang lalaki ay talagang nag-aalala pa rin ito sa kanya. Sa huli ay napahinga na lang siya nang malalim.
“I’m fine, ikaw?”
“I’m not fine, I’m f*****g sleepy, Naddie.” Narinig niya ang pag-ungot nito sa kabilang linya. Natawa na lang tuloy siya rito at
“Sige na, sige na. Matulog ka na ulit.”
“Tss. Ginising mo lang talaga ako para pagalitan, e. Anong gagawin mo ngayon? Baka kung mapaano ka riyan.”
Ngumuso lang siya rito. “Baka mag-shop lang ako ng kailangan ko ngayon. I mean, iyong sa mga snack at saka ibang pagkain lang ganoon.”
“Okay.” Narinig niya pa itong humikab sa kabila. Napailing na lang ulit siya rito.
“Sige na. Go na matulog ka na ulit.”
“Alright, Bye.”
“Bye.”
Tinapos na rin niya ang tawag. Napahinga na lang nang malalim si Naddie at saka tumayo na. Ipinilig niya ang ulo. Bumalik na siya sa kanyang kwarto para magbihis. Unemployed naman siya rito maliban sa mga pending niyang postings sa ibang brand kaya sobrang luwag ng oras niya at sa ngayon ay hindi niya pa nga alam kung ano ang kanyang gagawin sa mga susunod na araw. Mamaya pa niya gagawin ang aknyang itinerary pagkatapos niyang mamili ng kailangan niya. Binilisan niya na lang ang pagbibihis.
Isang casual na hoodie na puti at ang terno nitong jogger na puti rin ang kanyang suot at naka-Crocs lang din siya. Kinuha niya ang kanyang baguette na bag at nilagay ang phone at wallet niya roon. Bago siya tuluyang lumabas ng apartment. Nag-search muna siya ng kung anong pwedeng puntahan niya ngayon. Mabut na iyong alam na niya kung saan siya pupunta paglabas. She was busy scrolling and searching nang isang notification ang nagpakita sa kanya. Mabilis na tiningnan niya iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita kung sino iyong naka-tag sa picture na in-upload ni Kier.
“What?! Magkakilala sila?!” bulalas niya nang makitang ang lalaking nakabangga niya kanina at iyong nakita niya sa hospital ay mukhang kakilala ni Kier. Hindi makapaniwalang napailing siya rito.
Sa huli ay isinara niya na lang ang phone at lumabas na. Saktong paglabas niya nang makitang pasara ang elevator.
“Wait! Hold it please!” sigaw niya at tumakbo na nga papunta roon pero mabilis na nagsara iyon bago pa siya makaabot. “Ugh!” bwisit na aniya habang sinasamaan ng tingin ang kung sino mang nasa loob. To her surprise, it was that guy again! “What?! Him again?!”