“Good morning…” Ang nakangising mukha ni Dee ang agad na bumungad kay Naddie nang gumalaw siya at lumingon sa kanyang tabi. Nakangisi ito sa kanya habang nakayakap ang isa nitong kamay sa kanyang bewang. Halos hindi siya makagalaw kasi pati ang hita nito ay nakadagan sa kanya. Hindi niya mapigilang mapairap na lang dito kasi sa paraan ng pagkakayakap nito sa kanya ay parang tatakas siya rito o iiwan niya ito eh wala naman siyang balak gawin iyon. Umirap siya nang kinuha nito ang kanyang kamay at ipinalibot iyon sa bewang nito. Ang possessive ng isang ito. Inayos niya ang kanyang comforter kasi kulang na lang ay kitang-kita na ang boobs niya. Mas niyakap siya ni Dee at hinagkan sa noo. Hinapit siya nito palapit at mas siniksik naman niya ang sarili sa dibdib nito. Napapikit siya at dina