“Omg! You’ve got to be kidding me?!” Halos masapo ni Naddie ang kanyang dibdib nang pagkauwi niya ng apartment niya ay nandoon na si Kier. “Hello, long time no see,” sabi pa nito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot at saka napatitig na lang sa lalaki. Sobrang sama pa rin ng tingin niya sa kababata niya habang ito naman ay pangisi-ngisi lang. "What are you doing here?!" bwisit na sabi niya rito at pumamewang na sa kababata. Sumimangot lang ito sa kanya at saka sumandal pa sa likod ng pader ng kanyang apartment. "Grabe ka naman. You hate me that much? Come on, Nads. I just want to accompany you here. Plus ayoko na sa Pilipinas. Ang gulo roon tsk. All because of you." Siya naman ang sumimangot sa sinabi nito. “I told you not to come here! Ang tigas-tigas ng ulo mo!” balik niya rit