Agad na naikuyom ni Naddie ang mga kamay. Tiningnan niya pa ang nasa kanyang harapan at nang makita ang kutsarang naroon ay mabilis niyang kinuha iyon at walang ano-ano’y ibinato kay Kier. “What the f**k! Nads!” reklamo pa ni Kier at napakamot pa ng ulo. Narinig niya pa ang pagpipigil ng tawa ni Dee. Nang tingnan niya naman ang lalaki ay agad itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Bumulanghit ang tawa ng kanyang magaling na kaibigan na tila ba ay inaasar pa nga siya. Sinamaan niya ito ng tingin. Nakita niya rin ang kaibigan ni Dee na bumabangon na at nag-uunat-unat pa. Nakataas ang kilay niya rito at mukhang napansin naman agad ng lalaki na nakatitig siya kaya mabilis pa itong nag-peace sign sa kanya. Umayos din agad ito ng upo tapos ay tumayo na rin. “Uhh good morning,” nakakamot ng ulong