Tulalang nakatitig lang si Dee kay Naddie, tila hindi alam kung paano ipoproseso ang sinasabi ng dalaga. Saglit na bumuntong hininga ang si Naddie para ngitian si Dee pero sadyang shocked yata talaga ito sa kanyang sinabi kaya wala itong reaksyon. “Shocking, huh?” natatawang sabi pa ni Naddie dito. Doon pa lang napakurap-kurap si Dee at agad na napaayos ng upo. Tumikhim ang lalaki at saka ngumiti sa babae. Huminga ito nang malalim. “I-I’m sorry.” Napalunok si Dee at agad na nagbunga ng malalim na hininga. Agad namang umiling si Naddie rito at saka tipid na ngumiti. “Nahh…okay lang. Sanay naman na ako sa mga ganyang reaksyon.” Ngumiti si Naddie. Huminga pa siya nang malalim at saka sumandal sa likod ng upuan. Hindi na siya nagulat kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Dee sa kany