"So…" "So what?" Agad na nag-angat ng kilay si Naddie sa kanyang kaharap. Humalakhak si Dee at saka napailing na lang sa kanya. "Seriously? Bakit ang sungit mo pa rin?" tanong pa nito sa kanya. “Masungit talaga ako bakit ba?” Natawa na lang si Dee sa kanya at napaling. “Tsk. Fine, fine,” natatawa at naiiling na sabi na lang ni Dee. Napabuga pa ito ng hininga bago siya inalalayan papasok ng sasakyan. Tapos na sila sa tour nila sa set ng TV show na iyon kaya naman uuwi na rin sila. “Do you still have any itinerary for today?” tanong pa ni Dee sa kanya. Tinaasan niya lang ng kilay ang lalaki. “Wala. Ikaw ba?” tanong niya naman dito pabalik. Nagkibit-balikat lang ito. “Nah.” Umirap lang siya rito at saka umiling din. “Oh, e di tara na,” sabi niya na lang ulit. Dee just chuckled befo