Chapter one hundred sixty five LOU Tinititigan ko lang si Terrence ngayon, para talagang wala siyang kaalam alam, noon pa kaya may relasyon na ang kuya niya at si Eloisa? Kung matagal na silang may relasyon ibig sabihin lang nun ay niloloko na nila si Terrence noon pa? kahit wala pa siyang amnesia? Pero ikakasal na dapat sila? Paano anngyari yun? Nalilito tuloy ako. “ Huy, tulala ka, ano bang nangyari?” “ Ha? Nauuhaw kase ako.” “ Halika na sa loob.” Aya sa akin ni Terrence kaya pumasok na kaming pareho dito sa loob ng bahay. Napapalingon ako sa pinanggalingan ko pero hindi parin bumabalik sila Cedrick at Eloisa. Binigyan ako ni Terrence ng isang basong tubig, hindi naman ako nauuhaw pero pinilit kong uminom. “ Namumutla ka, ano ba nangyari sayo?” “ Wala, wala talaga.” “ Saan ka

