Chapter one hundred seventy TERRENCE Nagsinungaling ako, pero para hindi nila mahalata na alam ko na magkasama sila kanina pa, ayaw kong madamay si Lou, siya ang sisisihin ni Cedrick kapag sinita ko silang dalawa. Sabay sabay silang tatlo na pumasok dito sa bahay, nagtaka ako dahil ang sabi ni Lou sila Eloisa at Cedrick lang ang umalis kaninang umaga pero ngayon lang sila dumating kasama pa nila si mommy. Tinanong ko si mommy at naging tapat naman siya sa akin, nakita niya sila Eloisa at kuya Cedrick kaya nakisabay siya sa kanila pauwi dito. Ang sabi ni Lou kanina ay pumunta dito si Eloisa at hinatid ni kuya Cedrick, naniniwala ako doon dahil chineck ko kanina yung CCTV namin. Kaya nga sinabi ko na lang sa kanila na kakauwi ko lang pero iba yung inis sa dibdib ko, hindi dahil sa nags

