Chapter one hundred eighty five LOU Hindi ako makalabas labas ng kwarto, parang ang laki naman ng atraso ko sa mama ni Terrence eh wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Siya tong pinilit akong umalis, ang dami dami niyang sinabi sa akin tungkol sa sustento at lahat lahat ng pangangailangan ko, hindi ko naman gusto ang sustentong ibibigay niya, ang pinapamukha kase niya sa akin ay wala naman akong lugar dito sa bahay nila kaya bakit magpapaiwan pa ako dito kung ikakasal na si Terrence? yan yung pinapaintindi niya sa akin. Hindi ako umalis dahil napakarami niyang sinasabing ibibigay, lumugar lang ako kase baka mamaya ikakasal na pala ang ama ng anak ko nandito pa ako nakikisiksik sa pamamahay nila. Ayaw ko rin maiwan dito kasama ang mama ni Terrence. Nauuhaw na ako kailangan ko

