Chapter twenty two LOU Sila mama at papa natuwa sa mga isusuot nilang damit sa kasal, kaniya kaniya silang sukat, ngayon lang kase sila makakapagsuot ng ganyan. Kasama din namin si Maribel at yung mama niya dahil sila lang naman ang bisita namin, kaibigan din ni mama ang magulang ni Maribel. “ Ikakasal ka na.” bakit sila ang mas natutuwa? “ Pero bakit hindi ka masaya? Ang gwapo ng pakakasalan mo oh.” “ Gwapo nga pero hindi naman talaga siya sa akin.” “ Ano ka ba Lou, magiging asawa mo na siya paanong hindi siya sayo?” “ Syempre hindi ko naman talaga siya nobya, at isa pa, iba din yung nagtagal kayong nagmahalan bago kayo ikasal, eh kami? Nakita ko lang siya sa dalampasigan tapo heto na ikakasal na kami, para lang makatakas ako sa matandang dayuhan na yun, hays.” “ Siguro nabibigla