Chapter forty TERRENCE Para akong nagkakasala sa asawa ko kahit na wala naman akong ginagawang kalokohan, siya kasama ko sa kama, siya ang kasiping ko pero may ibang babae akong naiisip na hindi ko naman mamukhaan. Napakasama naman ng isipan ko, ganito ba talaga ako noon pa? Bakit hindi ang asawa ko ang nasa isip ko? Bakit hindi yung ala-ala namin ang sumasagi sa utak ko, bakit walang Lou na sumasagi sa nakaraan ko? Anong nangyayari sa akin? Kaya tuwing ganun ang sitwasyon palaging sumasakit ang ulo ko, hindi ko maintindihan kung bakit wala man lang pangyayari na sumaglit sa ala-ala ko na kasama ko si Lou, bakit ibang mga tao? Sino ang mga iyon? Yan ang pinagtatakahan ko talaga, ang dami kong tanong na hindi masagot, ala-ala ko nga ba iyon? O baka ibang pangyayari. Nasa trabaho na a