Chapter forty six TERRENCE Pera lang ba ang habol sa akin ng mga magulang ni Lou? Nadididsmaya ako dahil maayos naman ang trato nila noon sa akin kaso sa kwento ni Lou pakiramdam ko magbabago din yun kapag nalaman nilang kumikita lang ako ng sapat sa amin. Nag iipon din kase ako para sa magiging baby namin ni Lou. Hindi naman kase pwedeng gastos lang ng gastos. Hindi ko naman alam na kaya maganda ang trato sa akin ng mga magulang niya ay dahil akala nila ay mayaman at mapapakinabangan nila ako. Medyo nasaktan ako dahil hindi ko naman inasahan yun, natural na natural kase ang pinapakita nila sa akin lalo ng kaniyang ama. Siguro dahil nagigipit lang sila ngayon kaya sila ganiyan, naiintindihan ko naman, sa hirap ng buhay talagang mahihirapan silang kumita kapag kinuha na ang bangka ni