Chapter thirty six TERRENCE Nauna kami nila papa sa simbahan, iniwan namin sila Lou sa bahay dahil nag aayos pa sila. Nakajeep kami ni papa samantalang sila Lou nagrenta kami ng isang sasakyan para sa kanila, kailangan kase mauna kami sa simbahan, yun ang patakaran nila dito kaya nauna na kami. Maayos naman yung ginawa nila sa simbahan, kami palang ang tao dito. “ Hays, ikakasal na ang nag iisa kong anak.” Sabi ni papa habang nakaupo kami at naghihintay. “ Huwag po kayo mag alala, ako po bahala sa kaniya, hinding hindi ko naman po siya sasaktan.” Pinapakalma ko si papa dahil parang nalulungkot siya sa araw na ito. Kailangan maging masaya kami. “ Alam ko naman yun, pero hindi maiiwasan magkasakitan kayo, parte yan ng relasyon kaya sana huwag mong pababayaan ang anak namin, nag iisa la