Chapter eleven LOU Nauna ng umalis si Maribel, naiwan pa ako dito sa bahay na tutuluyan ni Terrence, este ni Zandro pala, kailangan kong masanay na tawagin siyang Zandro talaga, mabuti na lang hindi ko pa siya natatawag na Terrence sa personal. Masyado siyang mabusisi sa mga gamit at lugar, kung sabagay unang araw lang naman niyang aapak sa bahay na ito na inakala niyang dito talaga siya nakatira. Nagtataka ako dahil ang tagal niya sa may kusina, naririnig ko ang mga kaldero na tumutunog kaya pumunta na ako doon upang makita kung anong ginagawa niya. Nagluluto pala siya ngayon, pinagmamasdan ko ang kanyang likuran habang nagluluto, napansin kong huminto siya sa kanyang ginagawa kaya naman napaatras ako. “ Lou?” “ Ha? Ah eh, tinignan lang kita kung anong ginagawa mo.” Lumingon siya a