Chapter two

1535 Words
Chapter two LOU Palagi na lang nag aaway sila mama at papa. Tungkol sa pera ang pinag aawayan nilang dalawa, nalulungkot ako tuwing nakikita silang ganyan, dahil wala akong maitulong. Nasa kwarto ako at nakikinig lang ng pag tatalo ng mga magulang ko. “ Paano mo babayaran yun? Sige nga!” “ Magbabayad ako, huwag mo na lang ako pakealaman!” “ Paanong huwag pakealaman! Anong gagastusin natin dito araw araw? Kulang pa nga yang perang inuuwi mo dito sa amin.” Ang aking ama ay isang mangingisda, samantalang ang aking ina naman ay nagtitinda ng daing dito sa amin. Minsan malaki ang kinikita nila ngunit madalas wala kaming kita lalo pa at hindi lang naman si papa ang nangingisda dito sa lugar namin at hindi lang din si mama ang nagtitinda ng daing dito, marami silang kakumpitensya. Mahirap maghanap ng trabaho dito sa isla namin, lalo kapag wala kang pinag aralan. High school lang ang tinapos ko at tinutulungan ko si mama na magtinda ng mga daing. “ Napakahirap kausap ng iyong ama, napakarami na naming utang ngunit hindi niya maiwasan manghiram ulit sa iba.” “ Hayaan niyo na ma, maghahanap na lang din ako ng ibang trabaho.” “ Saan ka hahanap ng trabaho dito? Puro pangingisda halos ang kinabubuhay ng mga tao dito, kung hindi ka pupuntang maynila malamang hindi ka makakahanap ng trabaho doon.” “ Wala rin naman tayong dapat na pera para makapunta ako doon.” “ Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na akong maisip na paraan para makabayad tayo ng utang.” Napakahirap ng buhay namin dito sa isla, minsan asin na lang ang kinakain namin upang makaraos ng pagkain. Kahit ako lang ang nag iisa nilang anak ay nahihirapan parin kami sa mga gastusin. “ Lou, halika, may ipapakilala ako sayong binata.” Sabi sa akin ng kaibigan kong si Maribel. “ Ayoko, baka tambay nanaman yan, mahirap na nga kami magdadagdag pa ako ng pahirap.” “ Si Boyet yug tinutukoy ko, yung mangingisda sa kabilang bayan, naghahanap siya ng girlfriend kaya naalala kita.” “ Bakit mob a ako hinahanapan ng magiging boyfriend, ang kailangan ko trabaho, hindi lalake.” “ Yun na nga eh, binata naman si Boyett apos nangingisda din, edi may pera siya, ayaw mo nun?” “ Kahit na, alam ko buhay ng mga mangingisda.” “ Ang arte mo Lou, imposible na tayong makahanap ng lalake na mayaman lalo pa at ang layo ng lugar natin, iilan lang ang binata ngayon sa atin na may trabaho.” Si Maribel ay may kasintahan na mangingisda din, kaya siguro niya nirereto sa akin si Boyet dahil kakilala ng kaisntahan niya. “ Hayaan mo na lang ako, gusto ko muna mapag-isa.” Naglakad lakad ako sa dalampasigan upang makapag isip kung paano makakatulong kanila mama at papa. Wala akong maisip na paraan kaya napaupo na lang ako habang nakatanaw sa dagat. Gusto kong umiyak. Bakit kase pinanganak akong mahirap. “ Lou!” sigaw ni Maribel. “ Lou!” “ Ano nanaman ba?” malayo siya sa akin kaya nagsisigawan kami. Patakbo siyang lumapit sa akin. “ Lou, ang mama at papa mo inaaway!” “ Ha?” Sa sobrang taranta ko nasira pa yung tsinelas ko habang tumatakbo ako pauwi, sakto naman nakita ko kung paano awayin ng isang lalake sila mama at papa. “ Ma, pa, anong nangyayari?” “ Naniningil sila ng utang.” Bulong ni mama sa akin. Nakakatakot itong lalake na naniningil kanila mama at papa, parang ano mang oras pwede niyang saktan ang mga magulang ko. “ Ang sabi niyo magbabayad kayo ngayon? nasaan na!” “ Bigyan mo pa kami ng ilang araw, pangako magbabayad kami sayo.” Pakiusap ni mama sa kanya. “ Oo, magbabayad naman kami, kailangan lang namin ng ilang araw.” “ Ilanga raw nanaman? Ganyan din kayo noong singil ko kayo noong nakaraang linggo, hindi na ako naniniwala sa inyo!” “ Tatlong araw na lang, pangako talaga magbabayad kami, nagipit lang kami dahil nagkasakit ang asawa ko.” Ang sinungaling ni mama, nagipit kami dahil may binayaran pa kami na ibang utang, inuna namin yun dahil taga dito lang sa amin. “ Huli na ito ah, tatlong araw lang ang palugit niyo, kung hindi? May kalalagyan kayo sa akin!” Yung banta niya parang may kakaiba, gusto ata niyang ipahamak ang mga magulang ko kapag hindi sila nakabayad ng utang sa kanya, anong gagawin ko? Kahit naman ganito lang kami ay ayoko rin makitang nahihirapan sila mama at papa. Wala akong maitulong sa kanila sa ngayon. “ Sinabi ko na kase sayo na unahin natin siya.” “ Kung uunahin natin yun baka hindi na tayo pahiramin ni kumara sa tindahan.” Ayan nanaman sila mama at papa, nag uumpisa nanamang mag away, hays, nakakapagod na. Kanina kinakabahan ako dahil baka may masamang mangyari sa kanila pero ngayon? naiirita na ako, imbes sana na mag away sila naghanap na lang sila ng ibang solusyon upang makabayad doon sa lalake na nakautangan nila. Lumayo na ako sa kanila dahil pinag aawayan nanaman nila yung pera. “ Oh nakasimangot ka nanaman?” tanong ni Maribel. “ Nakakainis na sila mama at papa, ayoko na marinig ng pagtatalo nila.” “ Sabi ko naman sayo magpaligaw ka na kay Boyet, kapag nagkaasawa ka na, hindi mo na iintindihin mga problema ng mga magulang mo, makakalaya ka na sa kakarinig ng pag aawya nila.” Hindi ko naman yun gusto at isa pa, gusto ko makatulong sa ibang paraan, hindi yung mag aasawa para tumakas, gusto ko maging payapa ang pag sasama nila mama at papa. “ Hays, ayoko na pag usapan yan.” Tutulong na lang ako sa pagtitinda upang makatulong, kahit gabihin pa ako o kaya sa ibang bayan ako magtinda para mas dumami ang benta ko. Kinabukasan. Paggising ko may naririnig akong maingay sa labas. Hindi na away ang naririnig ko kung hindi tawanan na, anong meron? Nakakapagtaka parang ang saya saya nila mama at papa ngayon? may kausap ata kaya nagtatawanan sila. Lumabas ako ng bahay at may nakita akong isang matandang babae at dalawang matandang lalake, mas matanda pa kanila mama at papa. Sino itong mga to? Ngayon ko lang sila nakita dito sa bayan namin at mukhang mga mayayaman. Baka uutangan nanaman nila mama at papa para pambayad doon sa lalake kahapon, hays. Nadismaya ako sa naiisip ko pero. “ Oh, gising na pala si Lou.” Sabi ni papa ng makita ako. “ Anak, lumapit ka sa amin.” Tinawag ako ni mama palapit sa kanila. Nagtaka ako, kaya agad akong lumapit sa kanila, kakaiba ang kanilang ngiti, parang hindi naman sila uutang? “ Anak, sila ang pamilya Wilford.” Tumango lang ako dahil pinakilala sa akin ni mama yung tatlong kausap nila. “ Siya sir Mark, si sir Albert at maam Dianna, magkakapatid sila at nagbabakasyon sila ngayon dito sa isla natin.” Hindi naman maintindihan nung tatlo yung usapan namin ni mama, kinakausap din silang tatlo ni papa, baluktot nga english ni papa pero kinakausap niya parin yung tatlong foreigner. “ Anong meron ma?” tanong ko. “ Anak, makinig ka.” Hininaan ni mama ang boses niya. “ Yung si Albert at Dianna, may mga asawa na yan at yung Mark naman matandang binata, sabi nila kanina kung mayroon daw dalaga na gustong asawahin ang kapatid nilang si Mark, ibibigay daw nila lahat ng gusto nito maski luho, anak, ito na pagkakataon nating yumaman, mapapabuti ka kapag—” “ Ma, ayoko!” sigaw ko, kumunot ang noo ni mama dahil tumanggi ako sa gusto niya. “ Kita mo naman oh, ang tandan a, ipapaasawa mo sa akin? Porke mayaman?” “ Anak, isipin mo kinabukasan moa no ka ba? Kailangan natin ng pera ngayon, napalugitan na tayo ng tatlong araw, kapag pumayag ka pwede ko sila hiraman ng pera ngayon, makakabayad tayo ng mga nakautangan natin, ayaw mo ba nun? Giginhawa pa buhay mo.” “ Ayoko talaga.” Hindi ko kaya ikasal sa isang matanda, hindi ko gusto at hindi ko naman siya mahal. Nangako ako sa sarili ko na pakakasalan ko ang taong mamahalin ko, hindi yung ganito, ayoko talaga. “ Ah basta! Wala kang magagawa.” Pinipilit ni mama ang gusto niya kahit tumatanggi na ako. “ Hindi mo ko mapipilit.” “ Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal ka sa kanya, nasabi na namin lahat tungkol sayo, huwag mo naman kami ipahiya.” “ Ma, ayoko nga, ano ka ba? Ibebent mo ko diyan?” “ Ibebenta? Gusto ko lang mapabuti ka.” Tsk, kahit balibaliktarin pa ang idahilan niya sa akin, ganun pa rin ang intindi ko, ibebenta niya ako sa mga matatandang mayaman na ito. Gusto lang nil ana may mag alaga dito sa matandang kapatid nila kaya gusto nilang may magpakasal na dalaga. Hindi ko gusto yun desisyon nila, hindi nila ako mapipilit na maikasal sa matandang yan. Ang layo ng edad namin at isa pa, parang bibigyan lang nila ako ng aalagaan ko sa hinaharap, oo mayaman sila at mabait kaso, hindi ko masikmura magpakasal sa taong hindi ko gusto lalo pa at mas matanda pa siya sa mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD