Chapter thirty LOU Gusto kong mainis. Gusto kong maiyak. Gusto kong lumaban. Hindi porke mas maganda sila at mas mayaman manlalait na sila ng kagaya ko, nassaktan din ako kahit sabihing biro lang daw yun, halata naman na nagpaparinig si Zasha at yung mga kasama niyang babae, maski yung mga lalake na lumapit dito mapanglait din. “ Oh saan ka pupunta Lou?” tanong ni Zasha. “ Kay Zandro.” “ Halla magsusumbong na.” sabi nung isang babae. “ May nobyo ka?” tanong nung isang lalake na takang taka sa sinabi ko, parang sobrang pangit ko naman para hindi magustuhan, hindi lang kasing kinis at kasing puti nila ako kaya ganyan sila kung makapanglait. “ Yes she have.” Bigla akong nabuhayan ng marinig ko ang boses ni Terrence mula sa likuran ko. “ What’s wrong?” pagtataka naman ni Eloisa, mag