Chapter forty eight LOU Naging masyadong abala si Terrence sa trabaho niya, okay naman kaming dalawa, malambing parin naman siya kapag magkasama kami, yun nga lang parang nabibitin ako sa oras naming dalawa. Parang nakukulangan ako, hays ewan nasanay lang siguro ako na may day off si Terrence. Papunta ako ngayon kanila mama, day off ko at wala si Terrence sa bahay, ayoko naman manatili doon dahil nababagot ako, wala pa man din akong kaibigan sa kapitbahay namin, nakalinis na rin ako sa bahay kaya wala na akong proproblemahin. Yun nga lang kailangan ko muna dumaan sa bayan para mabilhan sila ng ulam, siguradong wala nanaman silang makain sa bahay, bibilhan ko rin sila ng vitamins at kape. Matapos kong bumili ng mga ibibigay kanila mama at papa ay deretso ako sa sakayan papunta sa kani