Chapter thirty two TERRENCE Hindi ko pinaalam sa kaniya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay, biglang sumakit ang ulo ko. I don’t know why but the name Terrence was the reason. Narinig ko isang beses, hanggang sa pumangalawa at pumangatlo na, ang bilis ng t***k ng puso ko ng mga oras ding iyon na para bang nauubos ang hangin sa loob ko. Nahihirapan akong huminga kahapon ng marinig ko ang pangalang Terrence, alam kong matanda ang tumatawag nun sa bata dahil nakita ko na sila pero bakit napakaapektado ko naman ata? Nung nawalan ako ng malay pinipilit kong imulat ang aking mata, may naririnig ako pero boses na ni Lou, tinatawag din niya akong Terrence. Hindi ko alam kung panaginip yun o ano pero tandang tanda ko kase. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya ang lahat at pinaliwanag,