Nakuha kong makalipat sa backseat nang hindi inaalis ang dulo ng baril sa babae. Nakatutok lang ito, handang kalabitin in case na manlaban s'ya. "Kailangan mo ba nang maglilinis?" tanong ni Garette sa kabilang linya. "Yes, or kung may kukuha, please." Sagot ko. Hindi makagalaw ang pangahas na babaeng pumasok ng sasakyan namin. Napataas pa ang kamay nito dahil dama siguro nito na hindi ako nagbibiro. "Nagpaalam ka ba sa mga kapatid mo? Sa tingin mo ba ay masisilayan mo pa sila?" "Sino ka para traydorin ng gano'n ang mga Soloren?" "Ako? Isang anghel lang naman na nais magdusa ang mga amo mo dahil napakalaki ng kasalanan sa akin." Bulong ko rito. Pinaglandas ang dulo ng baril nito sa leeg. Pasimpleng kinapa ang may kahabaang kuko. In-adjust ang karayom na nakadikit sa pekeng kuko na