Lola Hilda, Uncle Jericho, at si Daddy. Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan ng mga ito ay hindi ko maiwasang mapaisip. Dapat ba pati talaga ang ama ko? Pagkatapos ng tanong na iyon ay napatanong din ako kung bakit ako nagdo-doubt? Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon. "Pasok." Wala namang ibang tao, kaya kahit nagkalat sa mesa ko ang mga pinag-aaralan kong mga larawan ay inanyayahan ko na. "Anak?" hindi ba dapat itawag n'ya sa akin ay apo? Umiiwas pa rin si Lady A at Garette. Kaya naman hindi ko pa nakokompronta ang mga ito, umiiwas or busy, parang pareho lang sa paningin ko. Bumasok si Daddy Anthony na may ngiti sa labi. Magaan na magaan talaga ang pakikitungo nito sa akin. Siguro dahil alam n'yang kadugo n'ya ako, kaya ganito s'ya. Umupo ako sa couch, lumapit naman it