Parang sinasaksak ang puso ni Niccolo sa tagpo na iyon. Ang tagpo kung saan magkadikit ang labi nina Jake at Alyana. At wala siyang magawa kung hindi ang maikuyom ang kanyang palad. Wala siyang karapatan na magalit sa tagpo na iyon. Gaya ng huli na pag-uusap nila ng matalik na kaibigan ni Alyana noon nakaraan, nagpaalam na si Jake sa kanya at kanina nga ay isang mensahe ang natanggap niya buhat sa lalaki at pinapapunta siya sa bahay nila Aly. Hindi man siya sigurado sa rason ay pumunta siya, at iyon nga ang tagpo na inabutan niya. Ang pagpapaalamanan ng dalawa at ang hindi sinasadya na halik na makita niya. “Niccolo.” Muli siya na napalingon sa kinaroroonan nina Jake at Alyana at sa pagkakataon na iyon ay nakaharap na sa kanya ang dalawa. Namilog pa ang mga mata ni Aly nang makita siya

