PANGATLONG KABANATA
Napasapo na lang si Alex sa mukha niya nang lumabas na ang panghuling tinanong niyang binata na si Richard, saka naman pumasok ang dalawa niyang kaibigan sa trabaho na si Dante at Jane. Nilapag ng dalawa ang mga dokumento tungkol sa kaso, na kay Alex naman ang mga sagot ng mga estudyante at mga impormasyon ng bawat isa, may masyadong magulong ang kasong hinahawakan nila ngayon, animoy nakikipaglaro sa kanila ang mga eduyante, parang may pinagtatakpan sila sa nangyari pero isa pa ang pinagtataka niya sa sagot ng bawat isa at lalo na ang kay Agatha, hating-gabi na at wala pa silang ayos na pahinga, nahihirapn na rin siyang makapaga-isip.
“Kumusta na ang interview?” tanong ni Dante kay Alex.
“Mga bro may mali dito, may mali sa kasong ito.”
Nagkatinginan si Jane at Dante bago muling tumingin kay Alex na kunot na kunot ang noo.
“Paano muna man nasabeng mali, tignan mo muna ‘tong mga ‘to baka mapadali,” inabot naman ni Jane ang files tungkol sa katawan ni Dexter, habang pinagmamasdan ni Alex ang mga litrato, nagpapaliwanag naman si Jane sa kanya, “sabi ng mga doktor at mga nag-eksamin sa katawan ni Dexter na isang araw nang patay ang binata mukha lang siyang pinatay ngayon dahil sa tigas ng yelong bumabalot sa kanya para maging bata pa ang balat niya, ibig sabihin isang araw pa ang nakakalipas na pinatay na ang biktima, namatay ang binata sa hypothermia, yang sugat niya sa tyan kaya labas ang mga lamang-loob para daw nilapa ng mabangis na hayop, kasi may nakita din siyang laway ng aso doon sa ibang parte ng katawan at doon sa natuyong dugo.”
“Buhay pa siya nang nilapa siya ng hayop?” tanong ni Alex.
“Oo ga’nun na nga, saka siya pinasok sa malaking chamber kong saan pwede kang tumigas hanggang sa mamatay,” paliwanag muli ni Jane.
Binuklat pa ni Alex ang iilang litrato na may iba’t ibang angulo habang pinapakinggan ang mga kasamahan, “grabe talaga nangyari sa batang yan, sino kaya gagawa nito sa kanya, ang tindi, para halata ang pagpapahirap sa kanya bago siya patayin,” komento ni Dante.
“Ang sabi pa ng doktor wala yong ari ng biktima, parang pinutol muna ito, may iilang pasa sa katawan at mga paso ng sigarilyo ayon sa itsura ng mga paso, talagang pinahirapan siya bago talaga siya tuluyang mamatay,” hindi makapaniwala si Alex sa narinig niya.
“May ice factory ba na malapit sa campus na ‘yon?” tanong muli ni Alex.
“’Yon din ang inalam nila, pero wala silang nakita, walang ice factory na malapit, wala ring cctv sa amphitheatre, tanging finger print din ni Clover ang nakita namin sa tali at wala nang iba, wala din ang gamit doon ng binata, wala kang makikitang kahit na anong bakas na dumaan doon ang suspek para dalhin doon ang biktima.” Kwento ni Jane.
“Imposible, may mga ebidensya siyang naiwan, hindi man natin makita ngayon pero alam ko may maiwan siyang bakas dyan, babalik tayo sa paaralan bukas.” Sabi ni Alex saka niya sinara ang folder na binigay sa kanya at muling binalik sa lamesa.
“Excuse lang guys, pero sa bagay na yan, hindi na natin siguro magagawa, sinabi kasi ng paaralan na hindi na sila magpapa-unlak ng kahit na anong imbestigasyun, ayos na sa kanila na bantayan ang buong campus pero ayaw na nilang may aaligid na pulis sa loob, natatakot daw ang mga estudyante nila dahil din sa nangyari,” biglang kwento naman ni Dante habang may pag-aalala sa kanyang mukha.
“Bwisit sila, paano natin ‘to matatapos kong hindi sila makiki-cooperate?” singhal ni Alex saka muling napasapo sa mukha niya sa inis.
“’Yon na nga ang sabi ni boss natin na kamuntik nang mapaaway sa presidente ng paaralan, pero wala tayong magagawa ‘yon ang gusto nila.” Sabing muli ni Dante saka kumuha ng upuan para umupo sa tabi ni Alex, “ikaw kumusta na nga yong interview sa mga bata may nakuha ka man lang ba?”
Kumuha din si Jane ng maupuan para makinig sa usupan ng mga kaibigan, “ito lang ang tingin ko, lahat sila na interview ko na pero para lang silang nakikipaglaro sa akin, lahat sila nong tinanong ko kong ‘may motibo ba sila sa pagpatay sa biktima?’ halos sumagot silang ‘oo at sila ang pumatay kay Dexter’ para silang mga baliw, akala nila madali ito sa atin pero lahat ng nakuha ko ga’nun ang sagot nila, pero hindi ako naniniwala kay Clover, siya mismo ang nakakita at malamang na trauma ‘yon kaya nakasagot siya na siya ang pumatay kaya tanggal na siya sa pinaghihinalaan nating suspek, pero ito lang ang nakakahinala, may isa sa kanila na tinanong kong iba ang sagot.”
Lalong nagtaka si Jane at Dante kaya lalo silang lumapit, “sabi niya imposible daw na patayin niya ang kaibigan niya, na hindi raw siya ang pumatay, siya lang ang nag-iisang sumagot niyan,” saka niya kinuha ang folder ng dalaga na may litrato ni Agatha dahil halos lahat ng mga ka klase ng biktima ay kinuhaan ng litrato at mga maliliit na impormasyon tungkol sa kanilang pagkatao.
Pinagmasdan naman nila Dante at Jane ang litrato ng misteryosong babae, may malalim na pares ito ng mga mata na nakakalula animoy tagos kong makatitig, may maputla itong balat, papusong hugis ng mukha at may mahabang buhok, “maganda naman siya kahit misteryoso,” pabirong komento ni Dante saka niya muling binalik ang folder kay Alex.
“Maganda siya, naalala ba ninyo sa mga nakaraan nating kaso, kong sino pa ang matino at inosente siya pa ang kriminal kaya tingin ko siya ang salarin,” giit ni Alex habang tinuturo ang litrato ni Agatha ng paulit-ulit.
“Whoa, alam mo hindi tayo basta makakapagsabi niyan hangga’t wala tayong ebidensya, hindi tayo pwedeng makapagturo kong talagang siya nga dahil baka mamaya magkamali lang tayo,” aniya naman ni Jane.
“Tama siya,” pagsang-ayon naman ni Dante sa dalaga.
“Hayyy, oo alam ko ‘yon pero hindi ba kayo nagtataka sa lahat ng tinanong ko siya lang ang may kakaibang sagot, alam natin na trick question ang ginawa ko---.”
“Pero may trick answer din sila sayo, kaya hindi ka makakapagsabi kong sino talaga ang salarin,” mariin na sabi ni Jane.
“Pero ito lang ang isipin ninyo, mahihirapan tayo sa kaso,” sambit ni Dante habang kumakamot sa buhok. “Ano nang plano natin?”
Muli’y pinaglaruan ni Alex ang hawak niyang ballpen, madalas niyang gawin pagnag-iisip, huminto ang ballpen kasabay ng paghinto siya sa paggalaw nito, “papasok ako sa campus na ‘yon sa ayaw at gusto nila.” Tinignan niya isa-isa sila Jane at Dante, “magpapangap ako na kahit na ano janitor o guro sa campus nila para lang makapasok sa kanila, habang nasa loob ako doon ako mag-imbestiga at maghahanap ng sagot sa kasong ‘to.”
Napangiti naman si Dante, “yan si Montero, kaya idol kita eh.”
Napangisi naman si Jane, “so kailangan tayo mag-uumpisa?”
“Mas maaga, mas maganda,” seryosong sambit ni Alex.