PANGLIMANG KABANATA
Hindi na muling nakabalik si Agatha sa kanyang pagtulog dahil sa panaginip niya tungkol kay Dexter, ‘yon ang araw ng libing ng kaibigan kaya minabuti na lang niyang mag-asikaso, gusto niyang makita si Daina, kong anong reaksyon nito sa nangyari, kong anong masasabi nito, kong hihingi ba ito ng makakausap at ilang payo sa kanya, katulad ng dati kong may problema ito sa buhay o kaya sa boyfriend nitong si Dexter, sa tingin niya mas malala ang nararamdaman sa biglang pagkamatay ni Dexter kesa sa mga taong nakapaligid sa kanila, magkasintahan ang dalawa kaya mas madalas itong nagkakausap kesa sa kanya.
Pagkatapos niyang maligo, agad niyang sinuot ang itim na bistida, blaser na puti at ang ribbon na puti sa kanan niyang braso. Kailangan pa niyang sumakay ng jeep bago siya tuluyang makarating sa sementeryo, may ilan siyang kamag-aral na una at hinihintay na lang ang labi ng binata. Pareho niya, lahat ay may ribbon na puti sa kanang braso ang bawat dumalo, lahat ay hindi maipinta ang mukha lalo na ang mga ka klase niya, may mga ilan ding pulis officer na andoon, nakita niya si PO1 Alex Montero at dalawa pa nitong kasamahan, napakatahimik sa lugar, nawala ang ingay na dati ay naririnig niya pagnagsasama-sama ang mga ka klase niya.
Sa di kalayuan nakita niya Daina, seryoso ang mukha nito habang kausap ang magulang ni Dexter na namumula ang mga mata dahil sa pag-iyak, lumapit siya dito at bumati ng ‘condolence,’ saka naman siya lumapit kay Daina at yumakap sa kaibigan. “Kumusta ka na?” tanong niya sa kaibigan nang humiwalay siya sa pagkakayakap.
Sige ang pag-singhot ng kaibigan sa sipon nito, namumula din ang mata, animoy hindi nakatulog ng maayos katulad niya o dahil din sa pag-iyak, saka niya nakita ang lungkot sa mga mata nito.
“Ayos lang ako, gusto ko lang mapag-isa Agatha, hindi ko alam kong anong gagawin ko dahil wala na siya,” pinipilit na maging malakas ng kaibigan ni Agatha sa harapan ng maraming tao, lalo na sa harapan niya.
“Kong yan ang gusto mo,” saka ngumiti ng tipid si Agatha, “kong kailangan mo ng makakausap na andito lang ako.” Minabuti ni Agatha na hindi pilitin ang kaibigan, siya na mismo ang lumayo, gustuhin man niyang nasa tabi lang niya ito pero wala siyang magagawa, kailangan niyang respetuhin ang kagustuhan ng kaibigan, napasulyap siya sa mga ka klase niyang na andoon, mag-uumpisa na ang mesa pero na pansing niyang parang may kulang, hindi niya alam kong ilan, basta ramdam niya may kulang sa kanila. Nakita din niya ang maya’t-mayang pagsulyap ni Alex sa kanya, iniwasan na lang niya ang mga pulis.
Nag-umpisa ang mesa na hindi niya maiwasang mapasulyap sa mga kasamahan niyang na andoon, lahat ay tahimik, lahat sila ay may hawak na puting rosas para sa binata, natapos ang mesa na kailangan na nilang ibato isa-isa ang hawak nila sa libing ng binata bago ito tabunan ng lupa, nang si Agatha na ang susunod para maghulog ng bulaklak.
Bumulong muna siya sa hangin, “gagawa ako ng paraan para maibigay sayo ang hustisya, hindi ko alam kong saan ako mag-umpisa, kahit may kasalanan ka man kay Daina, hahanapin ko parin kong sino pumatay sayo.” Saka niya binato ang bulaklak at bumalik sa kanyang upuan.
Nang laki ang mata niya nang may biglang pumasok na imahe sa kanyang isipan, katulad noon, mabilas lang pero malinaw lahat ng nakita niya.
~*~
Naramdaman na lang ni Daina ang pagvibrate ng cellphone na hawak niya, agad niyang nasilayan sa screen ng cellphone kong sino ang tumatawag, laking gulat niya na rumehistro ang pangalan ni Dexter, nangilabot ang buo niyang katawan, patay na si Dexter nasa kabaong na pero tinatanong ng kanyang isipan kong sino ang tumatawag sa kanya. Bigla niyang naalala na hinahanap pala ng mga pulis ang gamit ng binata, ‘baka nasa suspek parin ang gamit ni Dexter?’ tanong niya sa kanyang isipan.
Luminga muna siya sa paligid kong may makakapansin ba sa kanya, agad siyang umalis sa malaking tent at nagtago sa malaking puno, nanginginig ang buo niyang katawan lalo na ang kamay niya, halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon, gusto din niyang malaman kong sino ang pumatay kay Dexter, pero ang isa pa niyang tanong, kong sino nga ba ang pumatay at kong bakit pinatay ang kasintahan niya?
Dahil sa kaba aksidente niyang napindot ang ‘answer’ sa screen, wala na siyang dahilan para hindi sagutin ang tawag, tinapat niya ito sa kanang tenga niya, naririnig niya ang nagsasalitang pare sa mic, katulad ng naririnig niya ngayon, nagpalinga-linga siya sa paligid, napaisip siyang malapit lang ang gumagamit sa cellphone ng kasintahan.
“Hi Daina,” pamilyar ang boses babae sa kanya, parang narinig na niya kong saan ang boses na ‘yon, pero hindi niya maalala, hindi siya makapag-isip nang maayos. Tumawa ito na narinig naman ni Daina, “hindi mo ba ako naalala ako ‘to yong babaeng pinag seselosan mong ka klase ni Dexter.”
Agad na kumulo ang dugo niya, “hayop ka Margaret! Ikaw ang pumatay kay Dexter, siraulo ka,” humahagulgul na siya, “anong ginawa mo sa kanya?”
“Wala pinatulog ko lang naman siya, ang dami na niya kasing kasalanan sa akin eh, oo ako nga ang pumatay sa kasintahang mong si Dexter, gusto mo ba akong isumbong sa mga pulis, bakit hindi mo gawin, makipagkita ka sa akin dito sa likod ng bahay na makikita mo sa unahan mo.”
Naputol na ang tawag, hindi na nakapag-isip ng maayos si Daina at agad siyang sumunod sa sinabi ng tumawag sa kanya, dumiretso siya sa bahay, sa likuran nito na nakita niya malapit lang sa kanya, pero wala siyang nakitang kahit na anong anino ni Margaret, isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang batok na siyang naging sanhi nang pang lalabo ng mata niya at pagkahilo, bumagsak na lang siya sa lupa na walang nakakaalam kong na saan siya.
~*~
Agad siyang nagpalinga-linga sa paligid niya, hinahanap niya si Daina. “Jusko po,” kabadong bulong niya sa sarili, nasa panganib ang kaibigan niya, pero may isa pa siyang na pansin na animoy kanina pa talaga siya pinapanood sa bawat kilos niya, paglingon niya sa gilid, nakita niyang nakatitig sa kanya si Alex, “ano bang problema niya?” tanong niya sa kanyang sarili at muling sumulyap sa paligid.
Natapos ang mesa at libing ng kaibigan niyang si Dexter na hindi niya nakita si Daina. Wala siyang maisip na maayos, agad siyang tumakbo sa tatlong pulis na pasakay na sa isang mobile, “teka lang po!” hingal na hingal siyang lumapit sa tatlo na huminto naman para malaman kong anong problema niya.
“Anong kailangan mo miss?” tanong ni Officer Alex sa kanya.
Nagkatinginan lang sila Dante at Jane, hinihintay ang sasabihin ni Agatha.
“Yong kaibigan ko po, nawawala may kumuha sa kanya,” sabi niya sa tatlo na sanhi nang pagtitinginan ng mga ito, muli’y pinagmasdan ang mukha ni Agatha na puno ng pag-aalala.
“Kailangan mong sumama sa amin sa presinto,” sabi ni Alex kay Agatha.