PANGPITONG KABANATA Nagising si Daina nang buhusan siya ng malamig ng tubig kong sino, magpupumiglas na sana siya nang maramdaman niyang nakatali ang kamay niya mula sa likod, ang mga paa niya at may takip pa ang kanyang bibig. Nagulat siya sa dalawang pamilyar na mukha sa kanyang harapan, isang lalaki at babae na kaklase ng kasintahan niyang si Dexter, hindi siya makapagsalita dahil sa takip sa kanyang bibig, amoy niya ang baho sa buong paligid, hindi niya alam kong na saan ba siya, gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa, gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawa, masakit pa ang batok niya kong saan siya na hampas ng matigas na bagay. Ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso niya, tama ang hinala niya na ang babaeng kaharap niya ang pumatay sa kasintahan niya ‘yon nga lang hindi ni