PANGSAMPUNG KABANATA Pagkatapos ng klase ni Agatha, agad siyang bumiyahe para pumunta sa hospital, kailangan niya uling magpacheck-up dahil lumalabas na naman ang mga sintomas na gumagana na naman ang ESP niya o mas kilala ng lahat bilang sixth sense. Naghihintay siya sa labas ng clinic ni Mr. Aguilar bago siya tinawag para papasukin, agad naman siyang dumiretso sa loob, matagal na rin siyang hindi nakakapunta doon dahil bigla na lang nawala ang ESP niya animoy hindi ito gumana nang hindi na niya ito pinapansin. Ga’nun parin ang itsura ni Mr. Aguilar, matangkad na may pagkamoreno at kulot ang buhok, ang pagkakaalam niya wala parin itong asawa o kasintahan man lang. Isang Parapsychology si Mr. Aguilar at isa din itong psychologists, na siyang humahawak sa kanyang kaso, simula pa noong na