PANGISANGPOT-SIYAM NA KABANATA Katulad ng dati paghind siya napapanatag sa nangyayari, pumupunta siya sa kanyang doctor kay Mr. Aguilar na kahit papaano may nakakausap siya at kaya siyang pakinggan na kahit na anong sabihin niya na kabaliwan naman sa ibang tao, pero sa oras din na lumabas na siya ng klinika nito, alam niyang nag-iisa na naman siya, misteryoso sa ibang nakakasalubong niya at baliw para sa ibang taong nakakakilala naman sa kanya bilang Agatha. Pagkatapos niyang kausapin si Mr. Aguilar sa klinika nito agad na siyang umuwi, pababa siya sa isang bus at hindi na dumidiretso sa daraanan niya ang bus na sinakyan niya, naglakad na lang siya sa madilim na sidewalk. Nakasalpak sa kanyang magkabilaang tenga ang headset niya, nakikinig sa mabagal at nakakapagparelax na tugtugan sa k