Honey's POV Kinabukasan ay nagising pa rin akong mag-isa sa kama. Ni hindi ko naramdaman ang pagdating ni Geoff kagabi kung dumating ba siya o hindi. "Honey Iha, gising ka na ba?" nadinig ko ang pagtawag ni Yaya Tess kasunod ang paglangitngit ng pinto. "Yaya..." "Oh, eh gising ka na pala. Hala't mag-almusal ka na." Naramdaman ko ang mga yabag niya palapit. "Kagigising lang po. Si Geoff po? Dumating po ba siya kagabi?" "Alas dos na ng madaling-araw siya umuwi pero maaga pa rin siyang umalis kanina." "N-Nakaalis na po ulit?" Napasimangot akong bigla sa kaalamang 'yon. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Okay lang naman sa akin kahit gisingin niya ako, basta nagpaalam siya at humalik sa akin bago umalis. "Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?" "H-Hindi po eh." Napayuko na lamang ako a