Third Person's POV "Hahayaan mo na lang ba na maunang makilala ng kaibigan mo ang pamilya ng gagong 'yon?" tanong ni Raul, na isa sa mga kaibigan ni Elise habang prente itong nakahiga sa kama niya. Napabuga naman ng usok si Elise mula sa hinihithit niyang sigarilyo habang nakatanaw sa labas ng balcony at tila malalim ang iniisip. "Hayaan na muna natin siyang mag-enjoy sa mga nalalabi niya pang oras. Ipapatikim ko rin sa kanya kung paano ang mahulog sa bangin at masunog ng buhay." "Gusto mo bang yariin na rin namin ang gago mong ex? Sabihin mo lang. Matagal na akong nagtitimpi sa taong 'yon. Masyadong mayabang." "No. May naisip na akong magandang ideya. Magdagdag kayo ng mga tao. Siguro naman ang singkwenta ka-tao ay wala na siyang magagawa. Mawawalan ng bisa ang ipinagmamalaki niyang