Thirty-four Sabi n'ya isasama daw n'ya ako kung nasaan man si Shaun, the real Shaun. Madami pang detalye na hindi ko alam dahil likas na ata talaga rito ang pagiging malihim. Parang hirap magtiwala sa iba kahit pa sarili n'yang asawa. Nagiging cause tuloy iyon na mag-doubt ako sa sarili kong asawa. I want this marriage to work---pero nararamdaman ko na umiiwas na naman ito. Pag-uwi namin sa Alpha's Town. Balik na naman ito sa pagiging abala. Sa sobrang busy yata sa office pati si Liza hindi na rin mahagilap sa mansion. Minsan nagigising na lang ako na may ginagawa itong milagro sa katawan ko, yumayakap ito kapag tumatabi sa akin pero hindi kami nagkakausap dahil paggising ko sa umaga ay wala na ito. Madalas pa namang tanghali na ako magising dahil tamad na tamad akong kumilos. Alam ko

