PROLOGUE
'IKAW lampa mo kasi tingnan mo may gasgas ka naman,' ani ng binatilyo sa kaibigan niya.
'Tol, imbes na tulungan mo akong makatayo ay mas inuna mo pa ang mang-aasar mo pa ako kaibigan ba kita?' patanong naman ng isa habang papalabas ng paliparan ng NIA.
Paglabas nila ay sakto namang dumating ang kanilang sundo kayat patakbo silang sumalubong sa mga ito.
Kaya naman ay hindi nila napansin ang tatlong lalaki na nasa malapit sa kanilang kinaroroonan.
Tuloy!
BLAG!!!
"Anak ng sinumang herodes! F*ck!" galit na sambit ni Artemeo dahil sa pagkabangga ng isang binatilyo sa kaniya.
Kahit ang papalabas sa paliparan na si Surene ay hindi napansin ang mga nagtakbuhan at ang grupo ng tatlong lalaki.
Kaya naman!
BLAG!!!
Ayun sapul!(ang sablay at lampa) Ang mga herodes este ang mga kaibigan ng binata, imbes na tulungan silang makatauo ay nakanganga pa ang mga ito. Saka lang
nakahuma ang dalawa nang mapagtanto kung bakit nakanganga sila!
Ang bunganga ni Surene ay nasa
paanan ni Artemeo! At gnoon din ang binatang Sablay!
Ang sagwang tingnan!
Ang masaklap pa ay nasa ibabaw itong lampa!
Then...
"Hey, Miss, umalis nga sa ibabaw ko. Tsk!" Pagsusungit ng binata rito.
Nahimasmasan naman ang dalaga nang nagsalita ng binata. Kaya't dali-dali siyang tumayo. Ngunit bago pa man siya makatayo ng maayos ay....
Toinks!
Anak ng kabayong bakla nabuwal siya!!!
Nabuwal siya at muling naglanding sa ibabaw ng poging kapitan!
And his time, ang kanyang mukha ay deretso sa mukha ni capitan sungit!
What a scenario!!!
Parang sa pelikula. Nanlaki naman ang mata ng mga nakasaksi sa kaganapan. Samantalang hindi na nakayanan ng mga kaibigan ni Romeo o Artemeo ang kanilang tawa.
"Paano iyan, Pareng Art. Aba'y nakahanap ka na yata ng katapat mo ah. Wow, match made in heaven, Parekoy. Lampa at Sablay. Ah, mukhang nawala na sng virginity ng labi mo." Pang-aasar pa ni Jonas na kaagad ginatungan ng isa pa nilang kaibigan na si Sherwin.
"Mukhang nag-eenjoy ka ngayon, Parekoy?" nakatawa nitong saad.
Subalit bago pa may makapagsalita sa Lampa at Sablay ay lumapit ang dalawang binatilyo.
"Ate, Kuya, hmmm... Pasensiya na po kayo dahil sa lampang iyan ay nadamay po kayong dalawa. Pero sa totoo lang po ay bagay na bagay kayo. Isang magandang dilag at isang guwapong binata." Humingi na nga ng paumanhin ngunit humirit pa ng pangangantiyaw!
Dahil dito ay sumagot si Surene. Well, wala namang kamuwamg-muwang ang mga ito. Dahil pare-parehas lang silang mga lampa!
"Oh, forget about that matter, kids. Hindi naman ako nasaktan," aniyang nakangiti.
Kaso!
"Oh, really? Hah! Hindi ka nasaktan dahil sa akin ka bumagsak. Natural ako ang bumagsak sa sahig. Dahil ikaw ang nabangga nila ngunit nandamay ka pa! Tsk! Tsk!" paismid na wika ni Artemeo.
Kaso ang mga sutil niyang kaibigan ay muling nagwika.
"Umandar na naman ang pagkamasungit mo, Aguillar. Ang sabi ni Mother Superior ay huwag maging masungit? At isa pa, ayaw mo ba iyon? Aba'y naka-first kiss ka pa nga eh---"
"Tadong ito eh. Hah! Pinakiusapan tayo ni General Villamor hindi ang maglandi---"
Kaso!
Kung nagputulan sila ng pananalita ay naumid sila pansamantala dahil tumawag ang kanilang General.
Pero!
Sabay-sabay na walang sablay nilang sinambit ang IKAW.
Then...
"Alam mo, hindi ka lang babae ay sinuntok na kita!" gigil na sabi ni Artemeo sa dalaga pero ngumiti lang ito na nagpakunot-noo lalo sa kaniya.
Kaya naman ay muli siyang nagwika.
"Ano'ng nakakatawa, Miss. Nakakaperwesiyo ka kaya! Hah! Ang dami-daming trabaho tapos dumagdag ka pa!"angil niyang muli rito.
Dahil alam nilang galit na talaga ang kaibigan nila ay mas minabuti ng dalawa na pumagitna.
"Brother, huwag mo ng isipin ang naiwan nating trabaho sa kampo. Dahil ipinadala naman tayo ni General Villamor dito. Meaning, maari nating balikan anumang oras at ituloy ang naka-pending," ani Sherwin upang kahit papaano ay maibsan ang init ng ulo nito.
"Tama si Pareng Sherwin, brod. Maaring mga militars tayo pero dahil diyan ay nandito tayo as citizens. Ibig sabihin ay off duty tayong tatlo." Pagsang-ayon pa ni Jonas.
Kaso!
Walang babalang pinagkukurot ni Surene ang magkabilang pisngi ni Artemeo kaya't nabigla ito.
"Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng taong mas guwapo kapag nagagalit? Totoo iyon, Sir Aguillar. Mas pogi ka sa pamumula ng iyong pisngi," saad pa niyang umaabot sa taenga ang ngiting nakabalot sa mukha.
Tuloy!
Tuluyan nang napahalakhak sina Sherwin at Jonas.
CAMP VILLAMOR BAGUIO CITY
"WELCOME to our country, Miss Boromeo." Mainit na pagsalubong ng kagalang-galang na heneral sa bagong dating na panauhin.
"Thank you, Sir General." As always, nakangiting lumapit ang dalaga sa opisyal saka tinaggap ang nakalahad na palad.
Ngunit kung kailan nahila niya ang isang monoblock chair ay nasobrahan naman yata niya!
"Ouch! It hurts!" daing niya habang hawak-hawak ang balakang.
Aba'y sumadsad na naman siya sa sahig!
"Hey, Miss. Dahan-dahan lang. Aba'y hindi ka pa ba nagsawa sa airport? Take your time." Maagap na pag-alalay ni Sherwin sa dalaga.
Kaso!
Napaubo naman silang lahat dahil sa tinuran nito.
"D*mn that chair!" anito saka sinipa ang upuan!
Aba'y ano ba ang kasalanan ng upuan, Hija!
"ANYWAY, guys. Formal ko nang ipakilala sa inyo ang bago nating agent. At maging partner siya ni Captain Aguillar---"
"What?! Are you serious of that, Sir General?!"
Insubordination ang katapat mo!
Ngunit ngumiti lang ang heneral. Kilala naman niya ang kapitan niya. Kaya't hindi na pinatulan. He is one of a kind officer, by the way.
"Yes, Captain Aguillar. She's now officially your partner when it comes to duty. She is Miss Cyn---"
"Ako na ang magpakilala sa sarili ko, Sir General."
"Hello, comrades. My name is Surene Borromeo. I'm glad to be part of your team. Hopefully to get along with you, men."
Pumagitna si Surene. Dahil ayaw ipaalam ang tunay na pangalan.
-------------------
"Me? No way! A big NO! I will never marry that f*ck old and bald man!"
"Hey, Hija, will you watch out your words?"
"Never, Mommy! If you are trying to convince me to marry that son of a b!tch, you'd better to remain silent. I have no plan of arguing with you."
Hah! Hindi siya papayag na magpakasal sa taong kailanman ay hindi minahal. Maaring hindi sila ang pinakamayaman sa Massachusetts pero may higit pa sa sapat silang pera.
'Ano ba kasi ang naisip nina Mommy at Daddy at sa kalbong panot pa iyon ako ipinares! Never! Over my sexy body!' Ngitngit niya saka may pagmamadaling bumalik sa sariling silid.
She will run away! Bahala na si batman kung saan siya dadalhin ng kaniyang magagandang paa!
Siya si Surene Cameron Boromeo. A literally clumsy lady.
"ANO ba?! Sinabi ko namang tumakas ka na, Aguillar! Huwag mong sayangin ang sakripisyo ni Ruiz! Now!" sigaw ni Sherwayne.
"Hindi, Pare. Tayong tatlo---"
"F*ck! Huwag mong ipagpilitan ang gusto mo, Sablay! Dahil hindi maaring malagas tayong tatlo. Kailangang may mabuhay at makabalik sa atin sa Camp Villamor!"
Sasagot pa nga sana si Artemeo at salungatin ang isa sa matalik na kaibigan. Subalit hindi na niya nagawa. Dahil itinakip nito ang sarili sa kaniya upang hindi makita ng mga napadaang rebelde. Maaring inakalang patay na ito kaya't basta na lang sila inapakan at sinipa. Ngunit pinanindigan nilang patay na sila.
Siya si Artemeo 'Sablay' Aguillar. Isang magiting na military Captain.
Ngunit dahil sa mga rebeldeng hindi maubos-ubos ay nawala ang mga mahal na kaibigan. Mga kaibigang mas piniling isalba siya kaysa sarili.