KINAKABAHAN si Shine habang nakatingin sa kanya si Russel. Hindi niya ito naramdaman noon pero ngayon halos lumukso ang puso niya sa paraan ng pagtitig sa kanya ng binata. "Are you okay?" tanong nito habang nakatingin sa kanya. Tapos tatanungin siya nito ng ganoon. Jusko! "A, o-oo..." Iniiwas niya ang tingin dito. At ibinaling ang mga mata sa pinapanuod nila. ?I can show you the world shining, shimmering, splendid. Tell me princess, when did you last let your heart decide. I can open your eyes take you wonder by wonder over side ways and under on our magic carpet ride? Kinikilig siya sa pinapanuod nila. Minsan natatawa siya at minsan naiiyak dahil sa ganda ng story. Hindi nila namalayan ni Russel na nakatulog na si Feya habang nakasandal sa kanya. Binuhat ito ni Russel. "Sandali lang