ISANG linggo ang nakalipas mula nang maiburol si Lola Minda. Parang lantang gulay si Shine habang nakatingin ng malayo sa bintana. Naroon siya sa may veranda ng mansion. Ipinaliwanag sa kanila ng attorney ng kanyang Lola ang hatian ng mga mana. Ang kalahati nito ay mapupunta kay Papa. Samantalang ang kalahati ay sa step brother ni Papa na si Tito Diego. Ngunit nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan kaya naman nagdesisyon si Papa na ibenta na lamang ang hacienda upang wala ng away. Sumang-ayon si Tita Marga, asawa ni Tito Diego. Sumang-ayon din si Mama sa desisyon ni Papa. Ngunit siya hindi siya sang-ayon sa mga ito. Ngunit wala siyang magagawa sa desisyon ng mga ito. Mabuti na lamang at hindi nakasama ang mansion ng kanyang Lola Minda sa ibebenta. Tanging ang apat na hektaryang lupa ang ipinagbi