KINAKABAHAN si Russel habang nasa tabi niya si Travis. Ito ang araw na pinakahihintay niya, ang ikasal sa babaeng pinakamamahal niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya habang inaayos ang kurbata. Panay ang hatak niya at luwag niyon hindi siya mapakali. Hindi na ito sa kaniya pero sobra pa rin ang kaba niya. Iyong pakiramdam na may nagliliparang paruparo sa tiyan at sinasabayan ng malalakas na suntok. Hindi niya maipaliwanag. Lahat ay nakatingin sa papasok na bride habang binubuksan ng mga ito ang white cloth net na iniharang sa daraanan. Puno iyon ng white petals of roses. Outdoor ang theme ng wedding nila ni Shine. Si Suzi ang isa mga nag-design. Nasunod ang kulay na gusto ni Shine, ang silver and white. Habang naglalakad si Shine kasama ng mga magulang nito ay pumapatak ang luha sa ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books