bc

Beside Her

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.6K
READ
sex
pregnant
inspirational
student
twisted
bxg
realistic earth
betrayal
cheating
illness
like
intro-logo
Blurb

Nagsimulang malasin sa buhay si Hanna noong maging close sila ni Dan Scotta - ang famous Playboy sa kanilang University at dati niyang 'crush'. Ilang insidente na muntik ng humantok sa pagkamatay nilang dalawa ni Dan.

Mas pipiliin ba ni Hanna na layuan na lang si Dan alang-alang sa kaniyang sariling kaligtasan kahit alam niyang bumalik na at mas lumalalim pa ang dati niyang nararamdaman para sa binata? O ipagpapatuloy niya ang kanilang sinimulan at magkasamang hahanapin ang taong nasa likod ng mga insidenteng pagpatay sa kanila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hanna's POV   This is it. Ito ang araw na pinaka hihintay ng lahat.   Ang araw kung saan magagawa ng mga kababaihan at kalalakihan a g gusto nila sa mga famous student ng campus.   This festival is only for single and not taken student.   "KYAAAAA!! AYUN SI DANNNN!!!"   Pag pasok ko palang sa University ay na rinig ko na agad ang tilian ng mga studyante.   Tsk. Ano nga ba at kailangan pang magkaroon ng ganitong festival? May sense ba ito? May matututunan ba ang mga estudyante sa ganitong mga bagay?   Meron naman.   KALANDIAN.   Hayss. Kung pwede lang talagang umabsent e.   Mas gusto ko pa ngang tumambay sa bahay at matulog maghapon.   "Aw! Wait Monica saan mo ba ako dadalhin?!"   Nagulat ako nang biglang sumulpot ang kaibigan kong si Monica Elyzza Kahilig  at hatakin ako sa lugar kung saan punong puno ng mga nagtitiliang babae.   "Basta. Dito lang tayo at pipila," sagot niya.   "Teka ano ba kasi itong pinipilahan natin?!" Pilit kong sinisilip ang nasa unahan ng pila pero lagi niya akong hinahatak.   "Free taste ng strawberry cake!" mabilis niyang sagot pag kahila niya sa akin.   "A-Ah ayoko ng ngiti mong ‘yan ah!"   "Basta wag ka ng makulit. Tara na nga!" Hinila niya ako ulit at nakipagsiksikan kami para makapunta sa unahan ng pila.   "Teka lang!" Ang higpit ng kapit niya sa kamay ko.   Dito talaga magaling itong babaeng to e. Sa balyahan at sa pakikipag siksikan.   Kaya laging nasasaktan e, pinagsisiksikan kasi ang sarili.   Nagulat na lang ako ng nandito na kami sa harap. Nakaharap ako sa kaniya at nakatalikod sa kung ano man ang tinitignan nila wala akong pake alam.   "Who's next?" Tanong nung nasa likod ko. Boses lalake.   "Monica tara na!" aya ko sa kaniya.   "Siya po!" Turo sa akin ni Monica.   "Wait teka! Anong ak-"   Nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa akin at hinarap ako kay AAAAHHHHH!!!   SI DAN SCOTA!   Nakita ko ang nakasulat sa banner nila.   FREE KISS!!   Napalunok ako ng wala sa oras.   Nakahawak siya sa dalawang balikat ko tsaka ako hinila para...   Halikan.   1...   2...   3...   Binitawan niya akong nakatulala. Ngumiti siya sa akin pagkatapos niya akong halikan sa LABI!!   "Next!" Sigaw niya.   Pinapaalis na ako sa harap. Sa sobrang asar ko bumalik ako sa kaniya.   "Gusto mo ulit? Aba nasarapa- AW!"   Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at tinuhod ang scrotum niya. (Pilipino term: BAYAG BES)   Tsaka ako umalis.   Sabing ayokong pumasok ngayon e!   Sa sobrang badtrip ko dumiretso na lang ako papunta sa room namin.   "Ka bwiset akala mo kung sino."   Wala akong pake kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao na nadadaanan ko dahil nagsasalita ako mag-isa.   Mas concern ako sa inis ko sa punyetang lalaking yun.   Akala mo kung sinong gwapo.   Hinahangaan ko pa siya kasi akala ko iba siya sa mga lalakeng nakilala ko pero nagkamali ako.   Pare-pareho lang talaga ang mga lalake.   "Hanna! Uy bakla sandali lang!" Di ko na lang pinansin si Monic at dumiretso na ako sa loob ng room namin.   Padabog akong umupo at nag earphone.   Hayss. Buti na lang talaga at katabi ko itong bintana. Ang sarap ng hangin galing sa labas, although maraming maiingay na estudyante na dumadaan sa hallway.   Di pa rin talaga maalis sa isip ko ang ginawa sa akin ng lalakeng yun punyeta.   Napalunok ako ng wala sa oras.   Nakahawak siya sa dalawang balikat ko tsaka ako hinila para...   Halikan.   1...   2...   3...   Hanna's POV   "HAAAYSSTT!" Ginulo ko pa ang buhok ko sa sobrang asar.   Nagulat na lang ako dahil nakatingin na pala sa akin yung mga classmates ko.   Naalala ko naka earphone pala ako. Nag peace sign na lang ako at nag fake smile tsaka ko tinanggal ang earphone ko.   "Ano kayang iniisip mo?" Napabalikwas ako bigla sa upuan ko nang may biglang sumulpot na gwapong rapist sa bintana.   "Ay kabayo!"   Nahulog ako sa upuan ko at ito ngayon ang sakit ng pwet ko.   "Ang gwapo ko namang kabayo." Ang hangin nyeta.   "Aw..." Inda ko. "Bakit ba nandit-" Nagulat ako nang nawala siya bigla.   "Saan kaya nagpunta yun?" Pilit kong sinisilip sa labas pero di ko makita dahil nakaupo pa rin ako sa sahig at hindi pa nakaka recover ang pwetan ko.   "Hinahanap mo ako?"   "PUNYETA KA! BALAK MO BA AKONG PATAYIN SA GULAT?!" Heto hindi na ako nakapagpigil. Nakatingin lang sa amin yung mga classmates ko at yung mga malalanding babae na todo kilig sa kaniya.   Nagulat ulit ako nang bigla siyang magsalita mula sa likod ko.   Nakangiti lang siya sa akin.   "Tigil-tigilan mo ako sa ngiti mong ‘yan ahh. Hindi umeepekto sa akin ang pang gayuma mo."   "Actually hindi yun gayuma. It's what we call CHARM." Pagtatama niya sa akin.   "What ever, lumayas ka na." Sabay irap.   Kabanas!   "Sayang naman, gusto pa naman sana kitang tulungan para tumayo." Wait, oo nga pala.   Naalala ko di ako makatayo. Aist!   Paalis na sana siya ng tawagin ko ulit siya.   "Hoy Dan!" Tawag ko sa kaniya.   "Oh yes?" Sagot niya.   "I need your help." Pairap kong sabi.   "Hmm… Di ko narinig yung magic word."   "W-WHAT?!" Aba ano siya gini?   "Ugh! The PLEASE word, you know?" Tamad niyang sagot emphasizing the word 'please’.   "Kailangan pa ba ‘yon e kasalanan mo naman kung bakit ako nagkaganito?!"   "Okay, bye." Hala abnormal talaga toh.   "Hoy Dan tulungan mo ako makatayo!" Asar kong sigaw.   "Can't hear yet." Mayabang niyang sagot habang naglalakad sa hallway.   "Ugh! Hayop ka talaga." Punyeta no choice! "PLEASE!" Sigaw ko.   Maya-maya narinig ko na ang mga foot steps niya na papalapit sa akin.   "Mabait ka naman pala e." Inirapan ko lang siya tsaka iniabot ang kamay niya.   "Alam mo bang muntik ng mamatay yung mga future babies ko dahil sa ginawa mo kanina?" Bigla akong napahinto sa pag pagpag ng palda ko ng marinig ko yung sinabi niya.   Nag-init bigla yung pisngi ko sa hindi malamang dahilan.   "K-Kasalanan mo naman eh!" Apila ko pagkaharap ko sa kaniya.   "Eh bakit ka namumula?" Kunot noo niyang tanong.   Huh? Shit! Sabi na e.   "Ahm… K-Kas-"   "Bakit ka guilty?"   "A-Ako guilty?! No wa-" Sa pangalawang beses niyang pagputol sa sasabihin ko ay agad ko siyang binatukan.   "Aray! Ang amazona ka talaga!" Inda niya habang hinihimas yung binatukan ko.   "Isa pang pagputol mo sa sasabihin ko, lagot yang ulo mo." Agad niyang tiniklop ang mga hita niya at tinakpan ng kamay niya ang ari niya.   "Wag si jr, nakaisa ka na nga kanina eh."   Natawa na lang ako dahil sa ginawa niya.   "Tanga! Sino bang nagsabing yung nasa babang ulo ang tinutukoy ko?" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.   "Eh?" Ang cute ng reaction niya ng sabihin ko iyon. "Ah... EHEM!" Natigilan ako sa pagtawa ng dahil doon.   "Can you stop laughing? Pinapahiya mo ako sa mga classmates natin." Bulong niya.   "Hahaha okay- Wait! Anong sabi mo? classmate?" Naguluhan ako sa sinabi niya kaya agad akong nagtanong.   "Oo. Ayaw mo?" Sabay ngiti ng nakakaloko.   Fvck!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.5K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Contract - Tagalog

read
754.4K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook