"RAFAEL!" Agad naman siyang lumingon sa akin nang marinig niya ako. Hininto niya ang paghuhugas ng pinagkainan namin. "Why?" Sabay angat ng kanang kilay niya. Nameywang ako. "Bakit hindi ko pabalikin ang mga katulong mo? Gusto mo ba talagang pinapagod ang sarili mo?" "Gusto kong pagsilbihan ang anak ko." "Pero hinahayaan mo akong walang gawin?" Umangat ang kanang kilay. "Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo ang dapat mong gawin? Mahigit tatlong linggo ka na rito at hindi ka na bisita." "Ah! Gano'n! Kaya mo ba ako dinala rito para makalibre ka ng katulong?" "Are you crazy? Gumawa ka lang ng dahilan para galitin ang sarili mo. Bakit hindi mo na lang ako hayaan sa ginagawa ko." Tinapunan niya ako ng tingin bago siya tumalikod sa akin at muli niyang ituloy ang paghuhugas ng plato. Nag