"Mag-iingat kayo!" Naluluhang sabi ng biyenan kong babae. "Salamat, Mommy," sabi ko. Muli ko siyang niyakap at maging ang biyenan kong lalaki ay niyakap ko rin bilang pasasalamat sa kanila. "Susubukan naming pumunta sa Amerika." Ngumiti ako. "Hihintayin namin kayo sa Amerika." "Naku! Ma-miss ko ang apo ko."Marahan pa niyang pinisil ang mukha ni Sebastian. "Huwag kang magpapasaway sa Mommy mo." "Yes, Lola." "Umalis na kayo dahil baka magka-aberya kayo sa daan." Muling hinalikan ng biyenan kong babae si Sebastian at pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse. Nagpahatid lang kami sa driver nila Mommy. "Manong sa airport," sabi ko. Balak kong sa airport magpahatid at pagkatapos ay mag-check in muna kami sa isang hotel para mamaya ay bibili na ako ng ticket namin. "Mommy, I'm sleepy." Ni