After six-years. MAHIGPIT ang yakap sa akin ni Steven habang nakahiga kami sa kama. Imbes na pigilan ko siya ay siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya at niyakap ko rin siya ng mahigpit. Tinapat ko ang bibig ko sa tainga niya at saka bumulong ako. "Mahal, fertile ako ngayon." Dinalaan ko pa ang tainga niya upang mas lalong mag-init ang katawan niya. "That's great!" Lumapad ang ngiti ko saka kumalas ako ng yakap sa kanya ay isa-isa kong inalis ang botones ng damit ko, ngunit bago ko tuluyang matanggal ang botones sa suot kong damit ay narinig ko naman na ang hilik niya. Dismayado akong ibinalik sa pagkakalagay ng botones sa damit ko. Nameywang ako habang nakatingin sa kanya. "Hays! tinulugan mo naman ako." Humiga ako ng nakatagilid upang pagmasdan ang mukha niya. "Bakit ayaw mong makip