"Excuse me. I apologize for what my son has done. Sebastian, come on!" Hinila ko ang kamay niya upang umalis. "Why are your hands so cold, mom? "I held the cold glass. You! Didn't I say don't be naughty?" Inis kong sabi sa kanya. "I'm sorry, Mom." Pagbalik namin sa table ay dumating naman ang mga pagkain na i -order namin. "Mahal, ano kaya kung sa bahay na lang tayo kumain?" tanong ko kay Steven. Hindi mapapanatag ang loob ko hanggat nandito ako sa restaurant at malapit lang sa amin si Rafael. Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Alam mo bang kanina ko pa gustong kumain?" Bumuntong-hininga ako. "Okay, kung 'yan ang gusto mo." "Why? Something wrong?" muli niyang tanong. "Masama lang ang pakiramdam ko," alibi ko. Hindi ko alam kung napansin ni Steven si Rafael o baka nakita na rin