Kabanata 10 Secretary Maaga palang ay tumulak na ako patungong Mansyon, hindi ko na hinintay pang sunduin ako ni Gabriel. Maaga rin akong nagluto ng almusal dahil lunes ngayon at may trabaho ang mag asawa. "Good morning!" I heard a sweet voice of Alessandra behind my back, maging ang paghila nito sa silya, kaya agad akong napa pikit. "How's your off day? Balita ko nag beach daw kayo ni Gabriel?" Mabilis akong lumingon dito na bakas ang gulat sa muka. "Uh, pasensya kana hindi na sana ako nag pasama sakaniyang mag beach kahapon." yuko ang ulo kong sinabi dito, "It's fine, sinasama nga niya akong pilit kahapon pero hindi talaga ako pwede." tinapik pa nito ang kamay sa ere at bahagyang natawa. Nanlaki ang mata ko, sunud-sunod rin akong napa lunok. Hindi ba siya nag isip ng masam