NAKAABANG na si Mommy sa harap ng gate. Nakahalukipkip habang hawak ang cellphone nito. Bakas sa mukha ang pag-aalala. Kaya ng matanaw ako umaliwas agad ang mukha niya at tila nawala ang takot at kaba. "My goodness, Oli! Bakit ngayon ka lang at bakit ka naglakad?!" si Mommy na tumaas na ang boses niya ng salubungin ako. "Nandiyan na si Olivia?!" dinig kong sabi ni Daddy mula sa loob. Lumabas siya para masigurong dumating ako. Lumingon si Mommy sa pinto pero bumaling din agad sa akin. Hinila ako papasok sa loob. Pinasara na ang gate sa guard at naglakad na kami papunta sa bahay. "Where the hell have you been? Hindi din makontak ang cellphone mo. Anong oras na, ah," reklamo ni Daddy habang nakasunod sa amin ni Mommy. Kagat-labi ako hanggang makarating sa Nordic style naming sala. "Low