"MA'AM AMANDA?!" Dahil sa isang sigaw ay nabitawan ko ang picture frame na hawak hawak ko. Ito yong frame na kanina ko pa tinitignan pero dahil sa isang sigaw ay nabitawan ko to ng hindi sinasadya! "M-ma'am tulungan ko na po kayo" sabi nung sumigaw. Hindi ko na sya hinintay pa at ako na ang pumulot ng mga basag basag na salamin mula sa frame. "Aw!" bigla ako nasugat sa isang matalim na bagay. Tinignan ko ito at tama nga ako dumugo na. Siguradong sumilip ang katulong ni Grace sa kamay ko. "H-hala ma'am sorry po. Wait lang po ma'am" akma itong aalis ng tinaas ko ang kamay ko "N-no its OK. Ang mahalaga ngayon ay ayusin ko itong nasira ko" sabi ko Aapela pa sana yong maid pero mas pinili na lang nito tumahimik at tulungan ako. Pag katapos namin linisin ito saka ako tumayo. Humarap ak