Kabanata 5

1711 Words
“Wow, hmmm… yummyyy! Grabe ka talaga Rage, kung anong sama kong magluto at hindi ko makuha kuha ang tamang lasa ng pagkaing niluluto ko pero ikaw napakabilis mo lang nagagawa ang mga ito. Tapos wala ng tikim-tikim diretso timpla pero the best naman talaga ang lasa. Hayyy ano kayong gagawin ko kung wala ka sa buhay ko no, siguro palagi na lamang mga instant noodles ang kinakain ko. Sabagay magaling naman ako magluto ng itlog lalo na yung sunny side up hindi ba?” Masayang turan ni Amiraya sa kanyang inaanak. Ngayon kasi ay nakaupo na sila sa hapag kainan at inihain na ng kanyang inaanak na si Rage ang kanilang almusal. “Oo na lang po, ikaw na po yung magaling magluto ng sunny side up. Sige na kain na ninang para mawala na yang hangover mo, alam ko masakit pa yung ulo mo kaya naka-ready na yung gamot diyan para kapag natapos ka ng kumain, uminom ka na ng gamot. Kung bakit naman kasi inom ka pa ng inom ng marami hindi mo naman kinakaya kinabukasan. Mabuti na lamang linggo ngayon wala tayo parehas pasok.” Sermon nito sa kanya mas nagmumukha pa nga itong mas matanda sa kanila kapag ganitong pinapagalitan siya nito. “Ano ka ba birthday mo naman iyon kaya okay lang naman na uminom, at saka hindi naman masyado akong nalasing kagabi hindi ba nakadalawang grande nga lang ako. Atsaka special naman na araw yun at alam ko rin naman na nandiyan ka, aalagaan mo ako kapag nalasing ako. Kaya malakas ang loob ko na uminom. At saka alam ko rin naman na wala tayong pasok ngayon so pwedeng mag-stay maghapon sa bahay kaya okay lang na sumakit ang ulo ko.” Pangangatwiran niya dito pero kinikilig siya dahil sobrang concern talaga ng kanyang inaanak sa kanya. "Hayy naku talaga Ninang, oo na nga lang po. Ito ang kape, magdahan-dahan po sa paghigop. Mainit dahil bagong pakulo ko iyang tubig." Wika na lamang nito na tila nauubusan na ng pasenya. Natawa na lamang siya kasi nag cute-cute talaga nitong asarin. “Hmmmm… Grabe ka talagang magtimpla ng kapeng barako, paano mo ito nagagawa kapag ako magtimpla ang sama ng lasa. Kahit napakadali lang naman magtimpla pero hindi ko talaga makuha kuha iyong ganitong lasa… Paano na lang kaya kapag nagkaroon ka na ng girlfriend? O kaya nang asawa paano iyan wala ng mag-aalaga sa akin, wala ng magtitimpla ng kape at magluluto ng almusal kapag nalasing ako. Hayyy sobrang mamimiss kita kapag nagyari iyon Rage.” palatak niya pero kunyari nalulungkot siya sa mga huling kataga niyang binigkas. Pero sabagay totoo naman talaga na malulungkot siya kasi nasanay na siya na kasama ito sa mahabang panahon, tapos yung mga pag-aalaga nito at pag-aasikaso sa kanya. Syempre hahanap-hanapin niya iyon, pero mas matimbang pa rin sa kanya ang kapakanan niro. Iyon bang makakuha ito babaeng magmamahal dito, ng makakasama nito sa buhay, yung magiging asawa nito at bubuo ng pamilya kasama nito. Kaya okay na rin para sa kanya kahit na malulungkot siya mas mahalaga pa rin ang kaligayahan ng kanyang inaanak. Kaya ngayon habang bata pa ito at maaari pa niya itong makasama ay sasamantalahin na niya ang pagkakataong ito. Hanggang sa pwede pa niya itong mga kasama at hanggang sa pwede pa niyang maranasan ang pag-aalaga nito sa kanya. Pero kapag dumating sa puntong iyon na hindi na pwede, maluwag sa kanyang loob na tatanggapin na lamang ang lahat at susuportahan ito sa mga nais nitong gawin. “Hindi mangyayari iyon Ninang, habang buhay kitang alagaan hanggang sa tumanda ka na at hanggang sa tumanda na rin ako. Buong buhay ko iaalay ko sayo dahil utang na loob ko sayo ang buhay ko Ninang. Kung hindi dahil sa'yo baka sa kalsada ako pulutin o baka kung nasa kamag-anak man ako ng aking mga magulang hindi ko rin alam kung anong kahihinatnan ko doon. Pero dito sayo lahat ng pagmamahal, pag-aaruga, pagsuporta ay naranasan ko sayo kaya naman pangako ko na hinding hindi kita iiwan habang buhay.” Nakangiting wika nito sa kanya at mababanaag sa mga mata nito ang katotohanan sa mga binabanggit nitong kataga. Napakagat tuloy siya ng labi at hindi niya napigilan ang hindi tumulo ang luha. Kasi ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang inaanak sa kanya. At ramdam na ramdam niya na may malasakit talaga ito sa kanya kaya naman hindi man lamang niya naiisip na magkaroon ng sariling pamilya dahil ito nga ang kanyang iniisip. Baka kapag magkaroon na siya ng asawa hindi pumayag ang kanyang magiging asawa na tumira ito sa kanila at syempre mahahati na ang atensyon niya. Baka din magselos ang kanyang asawa dito dahil sobrang lambing pa naman nito sa kanya. At gano'n din ang kanyang inaanak napaka-seloso pa naman ito, ayaw nito na nababaling ang kanyang atensyon sa ibang tao, sa ibang lalaki or sa ibang bata man. Papaano na lamang kapag nagkaroon na siya ng anak, hindi naman pwede na iasa niya sa kanyang asawa ang mga gastusin nila lahat sa bahay lalo pa kung kasama nila si Rage. Sabagay may savings naman siya at maaari niya iyong gastusin para sa kanyang inaanak pero kapag kasi may asawa na, iisa na ang kanilang pera at siguradong maki-question iyon ng kanyang magiging asawa kaya hindi na lang. Mas gugustuhin niya na maging single na lang forever at makita na napalaki niya ng maayos, naka-graduate sa pag-aaral si Rage at magkaroon ng magandang trabaho at syempre sariling pamilya ang kanyang inaanak bago niya haharapin ang sarili niya. “Sira ulo ka talaga kahit kailan, a-alam mo naman napakababaw ng luha ko pagdating sa mga ganyan mo eh. P-pinapaiyak mo ako, ang aga-aga gusto ko pa namang kumain ng marami. Para tuloy gusto ko na lang umiyak maghapon, ikaw naman kasi lagi mo na lang akong pinapaiyak ayoko kasi ng ganyan. T-tsaka ano ka ba naman syempre kailangan mong magkaroon ng sariling pamilya. Kailangan mong magkaroon ng mapapangasawa, Ngayon nga na 20 years old ka na dapat nagi-girlfriend ka na eh. Bakit wala man lamang yata akong nababalitaan na nagkaroon ka ng girlfriend? Atsaka Rage lalaki ka, syempre may mga pangangailangan ka na hindi ko kayang ibigay. At saka kailangan mo rin talagang magkaroon ng sariling pamilya, kailangan magkaroon ng anak. Kaya ayusin mo yung mindset mo na yan, ako okay lang ako. Basta matiyak ko lamang na okay na ang pamumuhay mo, na kaya mo ng mag-isa, na magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya, pwede na rin akong magpamilya. Kasi ngayon ayokong magkaroon ng sa gabal sa atin, lalo na sa'yo dahil marami pa akong pangarap para sayo. ” Mahabang pahayag niya dito habang panay ang pahid niya sa kanyang luha na patuloy na umaagos sa kanyang pisngi. Pagdating talaga sa kanyang inaanak napakababaw ng kanyang luha. Buong buhay niya ay binigay na niya sa kanyang inaanak. Iyon bang parang dito lang umiikot ang kanyang mundo, kaya nga ang daming nagsasabi na hindi lamang daw yata bilang inaanak ang nararamdaman niya para dito. Kundi parang tunay na anak na nga pero, sabagay ganun naman talaga ang turing niya dito at nararamdaman. Kahit nga ang kanyang mama at papa ay pinagsasabihan na siya dahil para bang inalay na niya ang buhay sa kanyang inaanak at hindi na nga niya iniisip yung sarili niya. Lalo na ang kanyang mama, pinagsasabihan siya na dapat magkaroon na daw siya ng boyfriend dahil 30 years old na siya. Hindi pwede na ibuhos na lamang niya ang lahat ng oras at buong buhay niya kay Rage dahil hindi na siya pabata, sabagay yung mga kasing edad nga niya at ka-batch niya at iilan niyang kaibigan ay may mga anak na. Ang ilan ay may mga boyfriend na, siya na lang talaga itong wala pa kahit boyfriend man lang. Pero pinipilit naman niya ang kanyang sarili na mag-try magkaroon ng relasyon. Pero wala talaga eh hindi niya ma-feel, kaya naman hinahayaan na lamang niya at kung may mga nagpapalipad hangin. Diretso na agad niyang sinasabihan para hindi na umasa pa at hindi na rin magsayang pa ng oras sa kanya. Maging ang kanyang papa, na ngayon ay nasa 70 years old na aba eh. Hinihingian na siya ng apo dahil para naman daw bago man lamang ito mawala sa mundo ay makita man lamang nito ang apo nito mula sa kanya. Ang alam kasi niya pagalawang asawa na lamang ng kanyang papa ang kanilang mama, at sa unang asawa nito ay hindi ito nagkaanak kaya naman sa kanyang Mama Amaya ito sinuwerte na magkaroon ng anak. Panganay nga silang dalawa ng Kuya Amaro niya kambal kasi silang dalawa at nasundan pa nga ng tatlo. Kaya lang lahat kasi sila ay mga dalaga't binata pa rin kaya naman nagmamakaawa na ang kanyang papa sa kanya at maging sa kanyang kuya Amaro na maghanap na nga ng mapapangasawa. Para naman magkaroon ito ng apo mula sa kanila. Kaya lang kasi hindi pa talaga dumarating yung tamang lalaki para sa kanya at saka hihintayin lang muna niya na makatapos ang kanyang inaanak. Tsaka ang kanyang Kuya Amaro na kambal din ito niya ay wala pa rin yatang balak mag-asawa, mas masaya pa rin ito na kasama ang mga barkada kaysa magkaroon ng kasintahan. Dati na itong nagkaroon ng kasintahan pero wala ring nangyari dahil parang nagloko ang babae naghanap ng iba kaya lalo ng nadala ang kanyang Kuya Amaro, hindi na muli sumubok na magkaroon ng babaeng iibigin. “Ah, basta magtiwala ka lang sa akin Ninang ako ang bahala. At saka buhay ko ito kaya gagawin ko po kung ano ang gusto ko. At iyong mga sinasabi mo nais mong makita akong mag-asawa, hindi mangyayari iyon dahil alam ko na kapag nag-asawa ako mawawala ka sa akin. Handa akong magtiis kahit pa hindi ko maranasan iyong sinasabi mong hindi mo kayang ibigay sa akin dahil kahit wala akong asawa, magagawan ko naman ng paraan iyon." Pagtatapos nito sa usapan, tsaka nagpatuloy na ito sa pagkain. Natahimik siya dahil sa sinabi nito, pero nag uumapaw ang kasiyahan sa kanyang puso dahil sa mga sinabi nito. Pinapakita lamang nito na importante pala talaga siya sa kanyang inaanak. Pero may parang tumimo sa kanyang isipan ang sinabi nitong, magagawan naman nito ng paraan. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD