“Mag-iingat po kayo sa biyahe Mama, Papa. Huwag po kayong mag-alala, kung pupunta sila mamaya haharapin ko naman po siya ng maayos. Kaya huwag na po kayong mag-isip ng kung ano-ano diyan, malay ni'yo naman po may maramdaman ako kahit na papaano sa kanya. Hayaan ni'yo po at susubukan kong kilalanin siya.” Wika ni Amiraya sa kanyang mga magulang na noon ay nasa labas na ng gate ng kanyang bahay.
Doon kasi naka-park ang kotseng dala ng mga ito. Iisang kotse lang kasi ang kasya sa garahe niya.
Sinabi din kasi ng mga ito na baka dumalaw ito mamayang gabi, kasama ang kanyang Amarao.
“Oo anak, pag-isipan mo rin mabuti. Tsaka si Leon naman ay mabuting tao iyon, mabait din kaya kapag nakausap mo at maipaliwanag mo ang tungkol sa inyo ni Rage baka maintindihan din naman niya ang kalagayan mo. Tsaka mukhang maawain din naman ang tao na iyon at parang hindi rin nalalayo ang edad ninyong dalawa. Kaya sa tingin ko anak ay bagay na bagay kayo at mukhang magkakasundo kayong dalawa.” Wika pa ng kanyang mama.
Napailing na lamang si Amiraya sa sinabi ng ina. Leon pala ang pangalan ng lalaki, hindi pamilyar sa kanya. Sabagay hindi naman niya pinapakialaman ang mga barkada ng kanyang Kuya Amaro .
“Siguro po mama, sige na po umuwi na kayo kasi anong oras na oh. Siguradong hinahanap na naman po kayo ni bunso. Alam ni'yo naman ang isang iyon, mukhang mama at mukhang papa. Bakit kasi hindi ni'yo na lamang po siya sinama para sana dito na lamang din kayo nag-lunch?” Wika niya sa kanyang mga magulang hindi rin naman halata na pinagtatabuyan na niya ang mga ito.
“Hay naku, hindi maiinip ang kapatid mo na iyon ngayon at isinasali sa pagla-live ng mga kambal sa f*******: kaya ayun libang na libang at tinuturuan na rin ng mga pasaway sa gaming tsaka pati na rin sa t****k. Ang pasaway na yun, tuwang-tuwa dahil ang dami-dami na daw followers ng bunso mo. Kaya halos hindi na nga kami pinapansin, hay naku naaadik talaga ang batang iyon sa gadget.” Wika pa ng kanyang mama.
Ang sumunod kasi sa pangatlo nilang kapatid ay kambal ulit tapos yung bunso naman ang sunod sa pangalawang kambal. Talagang nagpasiguro na ang kanyang Papa, sinadya nitong buntisin ng buntisin ang kanyang mama para daw kahit mawala na ito aa mundo ay marami itong maiiwang magagandang lahi at gwapo. At partida dalawang beses pa itong nagkaroon ng kambal.
Kung hindi nga lang nagmenopause ang kanyang mama baka nagdagdag pa ito ng lahi. Kaya lang hindi na pwede dahil menopause na ang kanyang Mama. Ang kanya namang Papa Amir ay senior citizen na, 70 years old pero kahit na ganun ang edad nito akala mo eh nasa mga 50’s lang dahil bagets pa rin kung pumorma.
Sabagay hindi naman ito masyadong rugado sa trabaho dahil nasa opisina lamang naman ito pero dahil nga nasa ganong edad na ito sila ng dalawa ng kanyang kuya Amaro ang nagma-manage ng kanilang transportation business, Ang De La Cerna Group of Bus Company.
Ito ay isang company na nag-operate ng mga bus na mula sa kanilang probinsya ay bumibiyahe patungo sa Manila pero dahil sa pagdaan ng maraming taon ay lalo na iyong napalago ng kanyang papa.
Hindi lamang sa kanilang probinsya, pati na sa buong Ka-bicolan ay kalat na ang mga terminal ng kaniang bus. Noon kasi ay sa kanilang lugar lamang. Pero ngayon ay laganap na at ngayon inaasikaso na rin ng kanyang Kuya Amaro ang delivery business nila na siyang in na in sa panahon ngayon pero hindi pa nag-operate dahil marami pang inaayos.
Pero doon naman siya humanga sa kanyang Kuya Amaro na kahit puro barkada, happy happy dito, gala dito, gala diyan. Pero pagdating naman sa trabaho ay talagang tutok ito, nagmana sa kanyang papa.
“Hayaaan na ninyo na po Ma, hindi naman na po kasi bata si bunso, masyado hindi po ba Tama din naman po na mag-explore ng ibang bagay si bunso hindi yung palagi na lamang nakikipaglaro sa inyo.” Sagot niya sa kanyang mama.
“Ay kaya nga iyan ang sinasabi ko sa inyo ni Amaro na mag-asawa na kayo at ng may mapaglaruan naman kami at mapaglibangan kaming mga apo, aba eh kahit mag-anak lang kayo ng mag-anak kami na ang bahala ng papa mo sa pag-aalaga.” Wika ng kanyang mama napakamot tuloy siya sa ulo dahil akala niya ay nakalusot na siya yun pala ay doon na naman mapupunta ang usapan.
“Si Mama talaga hindi na matapos tapos iyan oo na nga po baka gusto niyo po na dito na lang mag-lunch magluluto na lamang po kami ni Rage ng pagkaing para makakain tayo kaya lang maaga pa pala.” Kakamot kamot na wika na lamang niya sa kanyang mama.
“Hay naku, hindi na kasi itong papa mo nag-aaya doon sa dampa doon na lamang daw kami kumain, Alam mo naman na favorite namin ang lugar na iyon. Kesa kumain ng mga instant noodles na gusto ng mga kapatid mo at iyang mga pizza pizza na iyan. Doon na lamang kami kasi alam mo naman na favorite namin dalawa ng papa mo ang seafoods.” Sagot ng kanyang mama buti na lamang talaga tumanggi ito sa alok niya kasi pahapyaw lamang yung pag-alok niya dito kasi alam naman niya na magiging topic na naman ito ang tungkol sa pag-aasawa niya.
“Asus magdi-date lang pala ang dalawa, talagang sinadya ni'yo pa ako dito, inabala ni'yo pa yung sarili niyo sana nag-date na lamang kayo marami pa kayong napuntahang lugar.” Todo ang ngiting wika niya sa mga ito.
Iyon naman ang nagustuhan niya sa kanyang mga magulang dahil talagang nakakatuwa ang mga ito kahit ba parehas ng may edad na. Hindi pa rin nawawala ang pagka sweet sa isa't isa lalo na yung mga time na kailangan mag-date may mga biglaan din na inaaya ito ng kanyang papa na mag-date o pumunta kung saan.
Minsan nga makikita na lamang nila sa f*******: na nasa ibang bansa na pala ang mga ito at doon pa talaga nagde-date kaya siguro kung maghahanap siya ng lalaking mamahalin syempre katulad ng kanyang papa.
“Mainggit ka hanggang sa manigas ka, pasaway ka kasing bata ka kung naghahanap ka na kasi ng boyfriend edi nararanasan mo na rin sana yung mga ganitong date hindi yung puro ka sana all ka pa diyan.” sermon na naman ito.
“Ma! Hayyy naku…” Palatak niya kasi bawat kibot niya eh talaga naiisingit ng kanyang mama ang nais nito.
“Opo na, aalis na… Oh naka-zipper na.” Natatawang wika pa nito tapos isininyas na kunyari ay sini-zipper na nito ang bibig bago tuluyang sumakay sa kotse habang ang kanyang papa naman ang nagbukas ng pintuan sa may passenger seat.
Naiiling na lamang na ngumiti siya sa mga ito, tsaka ng makasakay na ang kanyang Papa ay pina-andar na nito ang kotse. Kumaway na lamang siya at hinatid na lamang ang kotse hanggang sa mawala ang mga ito sa kanyang paningin.
Nagpasya siyang bumalik na ng loob ng bahay. Nakaalis na lamang kasi ang kaniyang mga magulang ay hindi pa lumalabas ng silid ang kanyang inaanak na si Rage. Kaya agad siyang nagtungo sa silis nito.
Pagpasok niya sa loob ay naabutan niya itong nakahiga sa kanya, nakatagilid ito at himbing sa pagkakatulog. Nais sana niya itong gisingan pero nakonsenya siya kaya hinayaan na lamang niya.
Patalikod na lamang siya ng mapansin niya ang yakap-yakap nito. Kaya siniyasat nuya iyon, photo frame iyon at kung hindi siya nagkakamali. Photo frame iyon na nakalagay ay ang picture nilang dalawa.
Napangiti siya at nasiyahan dahil kahit sa pagtulog ay yakap-yakap pa rin nito ang picture nila. Tsaka siya napatingin sa gwapo nitong mukha.
Napakunot noo siya dahil kapansin-pansin ang bahid ng luha sa mga mata nito at natuyo na nga ang nasa pisngi.
"Umiyak si Rage?! Pero bakit?" Tanong niya sa sarili.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa mukha nito para sana tingnan kung talaga luha iyon. Pero nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang kamay.
ITUTULOY