Chapter 3

2065 Words
"If you don't feel comfortable staying in their house, or if they ever made you feel uncomfortable, remember you can always call your Ate, okay?" Marahan akong tumango kay Dada, hindi masyadong pinansin ang mga sinabi niya dala ng antok. Masyado pang maaga. Ni hindi pa nga namin nasisilayan ang liwanag pero kailangan na namin magsibangon dahil malayo-layo pa ang byahe namin. Gustong-gusto ko pang humilata sa kama at ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog ngunit nagmamadali kasi si Doreen. Sinabi ko sa kanya na iwan na lang niya ako dahil labag naman sa kalooban ko ang pag-alis, iyon nga lang ay narinig iyon ni Dada kaya napagalitan niya ako. At heto ako ngayon, parang lasing na nakaupo sa sofa. Naligo na nga ako pero mas lalo ko lang naramdaman ang antok. Hindi ko na rin alam kung anu-ano ang mga nailagay kong damit sa bag. Basta na lang ako dumampot sa closet kanina. "Is everything good, guys? Para makaalis na tayo," tanong ni Terrence mula sa labas ng bahay. "Hindi pa bumababa si Doreen," tugon ni Dad. "Will there be no problems with the Van, Renzo? Did you check the brakes?" "Wala, Dad. Pina-check na rin ni Kuya Jerry 'to kahapon," aniya na na pinatutungkulan ang magmamaneho ng sasakyan. Bumuga ako ng hininga saka tumingin kay Dada na nakalingon sa may pintuan. Hindi siya makakasama sa paghatid sa amin dahil kailangan niyang lakarin ang permit ng farm na ma-e-expired na. Hindi naman kasi pwedeng ibang tao ang lumakad para do'n. "Have you called your mom and dad? Have you told them that you are going home today?" Baling ni Dada sa akin. "Hindi pa po," tugon ko. Matagal siyang tumitig sa akin ngunit wala naman siyang sinabi. Batid kong ramdam niya na ayokong umalis ngayon pero ayaw na lang niya iyong pagtuonan ng pansin. Ayaw na lang niya siguro akong kunsintihin dahil nga nasabi na niya kila mommy at daddy na uuwi ako do'n. Baka nahihiya na siyang gumawa ng dahilan para sa akin. Nang bumaba si Doreen ay sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Agad namang kinuha ni Kuya Jerry ang mga dala naming gamit at ipinasok sa sasakyan. Nandito naman ang iilan sa mga kaibigan ni Terrence na ngayon ay kausap niya. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa fertilizer. Narinig ko pa ang mga tanong nila kung saan kami pupunta. "Ah, pati si Aisla... kasama, Tito?" Sinulyapan ko ng tingin si Matteo na nandito rin pala. Hindi ko siya napansin dahil siguro wala pa talaga ako sa huwisyo at medyo madilim pa. "Oo, papasyalan niya ang mommy at daddy niya," sagot ni Dada. "Babalik ka pa dito, Aisla?" Bigla akong natawa dahil sa tono ng boses niya. Feeling ko ay pipilitin niya ako kapag sinabi kong hindi. "Oo naman. Dito ako nakatira, eh," wika ko. "Daddy, may gusto yatang sabihin sa'yo si Matteo," biglang sabi ni Doreen saka na nagmadaling pumasok sa loob ng Grandia habang tumatawa. "Oy, Doreen!" Ani Matteo sa nahihiyang tinig. "Anong sasabihin niya?" Curious na tanong naman ni Dada na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa akin, kay Doreen, at kay Matteo. Umiling ako saka na rin pumasok sa loob ng sasakyan. Nag-peace sign naman si Doreen habang malapad na nakangiti. Hindi ko na lang siya pinansin. Ilang beses pa akong kinausap ni Dada pero sarado ang utak ko kaya puro tango na lamang ako. Pinaalalahanan pa niya si Kuya Jerry na mag-ingat sa pagmamaneho. Hinayaan kong lamunin ako ng kawalan nang magsimula na kaming bumyahe. Naririnig ko pang kinakausap ako ni Terrence at Doreen ngunit hindi ko na sila nagawang sagutin. Nang magmulat ako ng mata ay maliwanag na sa labas. Hindi ko alam kung nasaang lugar na kami sa mga oras na 'to. Tulog naman si Doreen na nasa tabi ko, at si Terrence na ang nagmamaneho ng sasakyan. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng hoodie na suot ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ang oras sa screen. Paano ako nakatulog ng apat na oras sa byahe nang hindi man lang naalimpungatan? Sobra ba akong napuyat kagabi? Well, at least hindi ko nakita ang pagdaan namin doon sa matarik na daan na sobrang kitid. Nag-shift ako ng puwesto sa pagkakaupo dahil medyo nakaramdam ako ng pagkangawit. Tumingin ako sa labas ng bintana at nang mag-sink in sa akin kung saan kami papunta ngayon ay mabilis na nagtahip ang dibdib ko. Bigla akong ginapangan ng nerbyos. Kaninang umalis kami sa bahay ay wala akong naramdaman ni katiting na kaba. Pero ngayon ay hindi na ako mapakali sa upuan. Ni hindi ko pa natatawagan sila mommy para ipaalam na pauwi ako. Shit! Ano kaya ang magiging reaksiyon ni mommy at daddy kapag nakita ako? Ano na kaya ang hitsura ng bahay? Nandoon pa rin kaya si Yaya? Malaki na kaya si Dominic? Hindi kaya siya nagtatampo sa akin dahil umalis ako? Matutuwa kaya ang mga pinsan ko na makita ako? Matutuwa kaya si Qino? Welcome pa ba ako doon? Halos malunod ako sa mga tanong na nabuo sa isipan ko na hindi ko na namalayan na huminto na pala ang sasakyan. "Let's have our breakfast first," anunsyo ni Terrence. Agad namang nagmulat ng mga mata si Doreen at nag-stretch. Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng isang fast food. Hindi ko maramdaman ang gutom sa ngayon dahil nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko. Pagkatapos naming kumain ay kaagad rin kaming umalis. Hindi ako makahinga ng maayos nang maging pamilyar na ang mga nakikita ko sa labas ng bintana. Nag-umpisa na ring manlamig ang mga kamay ko at mangatog ang mga tuhod dahil sa nerbyos. Unti-unti na ring sumisibol ang excitement sa sistema ko. "Ihatid na muna natin si Aisla kina mommy niya, Kuya," ani Terrence kay Kuya Jerry. Gusto ko sanang umangal at sabihin na dumiretso na muna kami sa lola namin para makita ko siya, ngunit hindi ko magawang magsalita. Mas lalo pang lumalala ang kaba ko nang makapasok na kami sa subdivision kung nasaan ang dati kong tinitirahan. Sa loob ng apat na taon ay mukhang marami nang nagbago dito. Parang mas lalo pang naging maganda ang kapiligiran nitong subdivision. Dumami rin ang mga halaman na nakatanim sa gilid-gilid. "Are you okay?" Gulat na tanong ni Doreen nang hawakan niya ang kamay ko. Siguro ay naramdaman niya ang panlalamig no'n. Lumingon naman sa akin si Terrence at makikitaan mo ng pag-aalala ang mukha niya. "Kung hindi ka pa handang bumalik dito, Aisla, sumama ka na lang sa amin pauwi. Ako na ang bahala kay Dad." "Okay lang, Kuya. Nandito na rin naman tayo." Humugot ako ng isang malalim na hininga saka pinilit na ngumiti. Napamura ako sa isip ko at napapikit nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay na apat na taon kong hindi nakita. Halo-halo ang emosyon na bumuhos sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko pakakalmahin ang dibdib ko sa sobrang pagkabog nito. Gusto kong umiyak na hindi ko maintindihan. Hindi naman ako minadaling bumaba ng mga kapatid ko. Sa katunayan nga ay binigyan pa nila ako ng oras para talagang ihanda ang sarili ko. Pero kahit yata ano ang paghahandang gawin ko, hindi pa rin maiiwasan na makaramdam ako ng kaba. Ilang beses akong humugot ng malalalim na hininga hanggang sa mapagpasyahan ko nang bumaba. Bumaba rin ang mga kasama ko. Kinuha naman ni Kuya Jerry ang bag na dala ko sa likod ng sasakyan. Tiningnan kong mabuti ang bahay kung saan ako lumaki. Wala naman itong pinagbago maliban sa kulay. Napansin ko rin ang isang pulang sports car na nasa garahe. At alam ko na kay Qino ito. Napalitan na iyong honda civic niya. Ito na kaya ang madalas niyang gamitin? O ipinagawa niya iyong titanium niya? Wala rin ang sasakyan ni Dad dito. O baka naman walang tao ngayon dito? Linggo ngayon at walang trabaho si Daddy. Hindi kaya nagsimba sila at hindi pa tapos ang misa hanggang ngayon? "Ba't hindi ka pa mag-doorbell?" Ani Terrence. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga saka lumakad palapit sa gate. Pinindot ko ang doorbell. Bahala na kung may magbukas man ng pintuan o wala. Kung walang tao ngayon dito, eh, 'di aalis na lang ako. Tutal naman ay nandito pa rin ang mga kapatid ko. Ilang segundo kong tinanaw ang front door kung may magbubukas ba ng pintuan. Medyo kinakain na rin ako ng disappointment. Mahigpit akong kumapit sa braso ni Doreen at halos magtago ako sa likuran nila nang makita ko ang pagbukas ng pintuan. Para akong nilipad ng hangin dahil hindi na ako nakapag-isip pa ng matino. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang lumabas ang isang lalaki. Naramdaman ko ang init sa sulok ng mga mata ko nang makita ang gulat niyang ekspresiyon habang tulalang nakatingin sa akin na tila hindi makapaniwala. Parang ibinalik ako noong mga oras na iniwan ko siya dito habang nakatayo siya sa kung saan siya nakatayo ngayon. Ang ipinagkaiba nga lang ay maliit pa siya noon. Bakit ngayon, ang tangkad na niya? Damn, what did I miss here? "Mom! Mom! Ate Aisla is here! My Ate is here!" Bigla nitong hiyaw na halos makita ko na ang mga ugat sa leeg niya. Ramdam ko rin ang tuwa sa tinig niya. Hindi niya inalis ang paningin niya sa akin na para bang bigla akong maglalaho kapag ginawa niya. Ni hindi siya kumilos mula sa kinatatayuan niya. "Hi, Dom!" Maluha-luha kong sinabi. Mabilis itong tumakbo palapit sa gate. Natataranta pa niyang binuksan iyon. Muntik na kaming matumba pareho nang halos tumalon siya para yakapin ako. Mabuti na lamang at naalalayan kami ni Terrence. Mahigpit kong ginantihan ang yakap niya at ilang ulit hinalikan ang ulo nito. Gusto ko man siyang buhatin tulad noon ngunit hindi ko na magawa ngayon dahil malaki na siya. "I miss you! Big boy ka na!" Kung dati ay hanggang sa may bewang ko lang siya, ngayon ay abot na siya sa dibdib ko. "Aisla?" Nanginginig na tawag ng isang tinig. Agad akong tumingin sa may unahan at parang natunaw ang puso ko nang makita ko si mommy. Mabagal itong naglalakad palapit sa amin. May nakabalot pang tuwalya sa ulo niya. Bakas ang gulat sa mukha niya ngunit naroon rin ang tuwa. At hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa akin ay umiiyak na siya. Nasa likod naman niya si Yaya. Nakatakip ang mga kamay sa bibig nito. Makikita mo rin ang luha sa mga mata niya. "Mom..." sambit ko. Pinakawalan ako ni Dom kaya tumakbo ako palapit sa nanay ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. Ilang beses pa niyang hinawakan ang mukha ko na parang ayaw maniwala na nandito na talaga ako ngayon habang nakayakap sa kanya. "I thought you'll never come back to us!" Hagulgol nito. Hindi na lang ako sumagot dahil totoong hindi na dapat ako babalik dito. Pero ngayong nandito na ako, gusto kong pagsisihan iyong mga panahon na tinatanggihan ko sila kapag nakikiusap sila sa akin na umuwi ako. At akala ko rin, mararamdaman ko na hindi na ako belong dito dahil sa tagal kong hindi nagpakita sa kanila. Subalit itong yakap sa akin ni mommy ay ganoon pa rin. Parang anak talaga niya ako. "I miss you, my. Sorry po, ngayon lang ako nakauwi," wika ko habang nakasubsob sa balikat niya. "It's okay, anak. What's important now is that you are here. You are now here." Humiwalay siya ng yakap sa akin para mahawakan ako sa mukha. Pumikit ako nang humalik ito sa may noo ko. Nang mapatingin ako sa labas ay nakita ko ang mga kapatid ko na nakangiti. Nagpupunas rin ng luha si Doreen. Muntik ko na silang makalimutan. At mukhang napansin rin sila ni mommy kaya agad siyang lumapit sa kanila. "Come here, pumasok kayo. Pasensya na kayo, ha? I just got so emotional right now." Pinunasan ni mommy ang luha sa mga magkabilang pisngi. "It's okay, Tita. We know naman po na you missed her." Si Doreen habang naglalakad sila papasok. "Oh, I do! We do!" Maligalig na sabi ni mommy. Sabik naman akong lumapit kay Yaya saka siya niyakap. Akala ko ay hindi ko na siya makikita, pero nakakatuwa na nandito pa rin siya. Pumasok kaming lahat sa loob ng bahay. And as my eyes wandered around, I suddenly felt satisfied. I feel like this is the place where I belong to. This place is my home, and I am at home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD